62,632 total views

Ang pagsilang ng anak ay isang masayang milestone sa isang pamilya. Kaya lamang, minsan nababahiran ito ng kalungkutan, lalo sa mga bansang gaya ng Pilipinas kung saan marami ang maralita at hirap ang access sa maternal health services. Tinatayang mga 14% ng mga buntis sa bansa ang hindi nakakapag-pa check up. At dahil dito, maraming mga ina ang nakakaranas ng mga komplikasyon sa kanilang pagbubuntis.

Marami ng mga hakbang ang nagawa upang mapabuti ang kalagayan ng maternal care sa bansa. Kaya lamang, nananatili pa rin ang mga hamon na kailangang tugunan upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng bawat ina at kanyang anak.

Unang una, marami sa atin ay kulang ang kaalaman ukol sa maternal health bago, habang, at pagkatapos ng pagbubuntis. Nakatutok kadalasan ang mga ina sa araw ng panganganak at napapabayaan ang nutrisyon na kailangan niya bago, habang, at pagkatapos magdalang-tao. Kung sapat ang kanyang impormasyon ukol dito, makakapaghanda siya at makakatulong upang maiwasan ang mga komplikasyon sa pagbubuntis, panganganak, at postpartum period. Kailangan natin maitaas ang kamalayan ng mga ina ukol dito, kasama na ang kanyang buong pamilya.

Isa rin sa mga pangunahing suliranin ay ang kakulangan ng mga skilled health professionals sa mga rural areas. Maraming mga ina ang hindi nakakakuha ng sapat na pangangalaga, lalo na sa mga malalayong komunidad. Ang kakulangan sa kagamitan at pasilidad ay isa ring malaking problema. Maraming ospital at klinika ang kulang sa mga kinakailangang kagamitan upang magbigay ng de-kalidad na serbisyo sa mga buntis na ina. Dahil kulang sa access sa propesyonal at pasilidad, kulang sa konsultasyon ang mga ina, pati na mga vitamins at serbisyo na kailangan nila para sa maayos na pagbubuntis.

Sa kabila ng mga hamong ito, maraming inisyatibo na ang isinagawa upang mapabuti ang maternal care sa bansa. Ang Department of Health ay may mga programa tulad ng Maternal, Newborn, Child Health and Nutrition Strategy na naglalayong mapabuti ang kalusugan ng mga ina at bata. Marami ring mga proyekto ang mga NGOs at private sector na nagpapaunlad ng maternal care. Ang kanilang mga proyekto at kampanya ay nakakatulong upang maabot ang mga komunidad na hindi naaabot ng gobyerno at sumusuporta sa mga ina sa kanilang panganganak at pag-aalaga ng kanilang mga sanggol.

Pero kulang pa rin kapanalig. Ang pagpapabuti ng maternal care sa Pilipinas ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng malusog na lipunan. Kailangan nating tiyakin na ang bawat ina at sanggol ay makakatanggap ng kinakailangang pangangalaga. Sa kanila umuusbong ang pamilya. Mapukaw nawa tayo ni Pope Francis sa Gaudate et Exultate: ang nakataya dito ay buhay, na laging sagrado. Kailangan natin mahalin ang bawat isa. The dignity of a human life demands love for each person, regardless of his or her stage of development. Kapanalig, simulan natin sa umpisa pa lamang, sa sinapupunan ng ina.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 28,253 total views

 28,252 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 70,467 total views

 70,467 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 86,018 total views

 86,018 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 99,198 total views

 99,198 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 113,610 total views

 113,610 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pampersonal o pambayan?

 28,254 total views

 28,254 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 70,468 total views

 70,468 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 86,019 total views

 86,019 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 99,199 total views

 99,199 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 113,611 total views

 113,611 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 106,313 total views

 106,313 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 125,418 total views

 125,418 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 132,072 total views

 132,072 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 129,423 total views

 129,423 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 129,467 total views

 129,467 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Scroll to Top