Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

May aral, respeto at fairness sa EJK Senate probe-CHR

SHARE THE TRUTH

 141 total views

Maraming mga aral ang matututunan kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa paglaki ng bilang ng kaso ng sinasabing extra-judicial killings sa bansa.

Ayon kay CHR o Commission on Human Rights Commissioner Karen Gomez-Dumpit, sa pagdinig may respeto at ‘fairness’ na naganap bagamat may ibang pumuna dahil sa mahaba ang mga tanong ng mga senador subalit kinakailangan ito upang madagdagan ang kanilang impormasyon hinggil sa kaso.

“Sa pangkalahatan, yesterday’s hearing was also a learning experience for everybody including sa mga nag-participate I’m sure mga listener at tagamasid ng hearing kahapon, marami tayong napulot na aral at napulot sa magkabilang panig, yung sa mga biktima at mga law enforcements. Masasabi natin na yung respeto andun, iniwasan pagbanggit ng name ng mga pulis pero kinuwestiyon din yun in terms of fairness dahil ang mga witness pinangalanan so kailangan bigyan ng name ang mga pulis… Sa aming obserbasyon, there was much respect sa pagsagawa ng hearing, may mga pumuna mahaba daw pero karapatan din kasi ng senador na magtanong ng magtanong para malaman nila sa kanilang pananaliksik sa nangyaring kaso na inihayag ng mga witness, mahirap intindihin na marami kung palaging may nagtatanong pero kailangan magtanong para maliwanagan kung anong nangyayari sa kaso,” pahayag ni commissioner Dumpit sa panayam ng Radyo Veritas.

Iinalang kahapon sa imbestigasyon ng Senado ang mga kaanak ng mga napaslang sa operasyon ng pulisya ng sinasabing extra-judicial killings sa Pasay City at sa Antipolo kung saan isang mag-ama at mag-asawa ang napatay bagamat kinasuhan naman ang mga pulis na nakapatay.

Kaugnay nito, iginiit ng CHR na gaya ng mamamayan, tutol na tutol din sila sa operasyon ng ilegal na droga kayat pabor sila sa masigasig na kampanya ng administrasyong Duterte laban ito.

Gayunman, ayon kay CHR commissioner Dumpit, kailangan naman nilang tumutol sa proseso ng kawalan ng due process sa pagpapatupad ng kampanya gaya ng pagpatay sa mga hinihinalang drug pushers.

“Ang komisyon ayaw sa droga like mamamayan, gusto natin ang kampanya maging masigasig, malaki ang naitulong na ang president ang nangunguna sa kampanya laban sa droga, pero as human rights advocate di natin puwede hayaan na ang naaapektuhan sa kampanya ay pababayan na natin, yung proseso ang pino-protektahan namin, ang tao, di tayo namimimili, kung nagkasala dapat paruhasan pero sa makataong paraan at makataong proseso, sa Konstitusyon nakalaan na may karapatan sa due process, na may notice na ikaw ay pinagbibintangan, pangalawa pagkakataong makapagtanggol ng iyong sarili sa isang korte,” ayon pa kay Dumpit.

Papel ng CHR na imbestigahan ang mga hinihinalang kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao ng isang indibidwal na ipinaabot sa kanilang kaalaman at kanilang irerekomenda sa nararapat na ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga ebidensiya upang magamit nito sa paghahain ng kaso laban sa mga suspek.

Inimbestigahan ng komite na pinamumunuan ni Senador Leila de Lima ang kaso dahil sa simula ng maluklok sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte July 1, umabot na sa higit 1,000 ang kaso ng extra-judicial killings habang sa tala ng Philippine National Police nasa 712 ang napatay nila sa operasyon laban sa ilegal na droga.

Una ng hiniling ng Simbahang Katolika at ng mga prolife advocates sa gobyerno na idaan sa due process ang pagpapataw ng parusa sa mga hinihinalang kriminal at hindi ang basta na lamang sila patayin dahil may karapatan din silang magbagong buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,615 total views

 26,615 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,715 total views

 34,715 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,682 total views

 52,682 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,739 total views

 81,739 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,316 total views

 102,316 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,781 total views

 91,781 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 87,710 total views

 87,710 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 34,276 total views

 34,276 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 34,287 total views

 34,287 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 34,291 total views

 34,291 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top