Komunidad at mga parokya, hinimok na maging liwanag sa mga drug addict

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 308 total views

Mahalaga ang partisipasyon ng komunidad at bawat parokya ng Simbahang Katolika upang masuportahan at protektahan ang mga drug-addict na nagnanais ng magbagong buhay sa gitna ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Nanawagan si Lipa Archbishop Ramon Arguelles – chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na hindi nararapat na itaboy sa pamayanan at ituring na salot lalo na ng kanilang pamilya ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Inihayag ng Arsobispo na sa halip na ituring na may nakakahawang sakit ang mga nalulong sa droga ay kinakailangan ang suporta ng bawat isa upang tuluyang masupil at bigyan ng pag-asang makapagbagong buhay ang mga biktima.

“Ako hinihiling ko sana ang mga pari natin, mga lay people,i-welcome ang mga ito, huwag silang ituring na parang outcast, kung sila’y magbabago tulungan natin kung hindi pa sila nagbabago, ipagdasal pa rin natin at siguro magkaisa sa mga communities natin, ang lahat na hindi lang supilin ang mga bisyo na isang menace kundi lagyan ng magandang pag-asa yung atmosphere ng love pagkatapos yung atmosphere ng help…”panawagan ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Radio Veritas.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) mula lamang July 1 hanggang August 22, 2016 umaabot na sa 8,600 ang mga naarestong drug suspects sa buong bansa kung saan 712 sa mga ito ang napatay sa operasyon ng mga pulis.

Umaabot naman sa 570,000 drug users at pushers ang kusang sumuko sa mga otoridad.

Sa kabila nito, inihayag ng Dangerous Drugs Board na mayroong 15 government-owned at 27 private drug rehabilitation centers sa bansa na accredited ng Department Of Health habang dalawa lamang ang kabilang sa DOH Accredited Treatment and Rehabilitation Centers ng Dangerous Drugs Board na pinamamahalaan ng religious congregations ng Simbahang Katolika.

Paulit-ulit na sinasabi ni Pope Francis na maging ang mga nagkasala sa ilalim ng batas ay kinakailangan pa ring bigyang ng makataong pagkalinga at igalang ang karapatang mabuhay ng marangal upang muling makapagbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,020 total views

 51,020 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,889 total views

 46,889 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,091 total views

 83,091 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,695 total views

 91,695 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,706 total views

 116,706 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top