May aral, respeto at fairness sa EJK Senate probe-CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 223 total views

Maraming mga aral ang matututunan kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa paglaki ng bilang ng kaso ng sinasabing extra-judicial killings sa bansa.

Ayon kay CHR o Commission on Human Rights Commissioner Karen Gomez-Dumpit, sa pagdinig may respeto at ‘fairness’ na naganap bagamat may ibang pumuna dahil sa mahaba ang mga tanong ng mga senador subalit kinakailangan ito upang madagdagan ang kanilang impormasyon hinggil sa kaso.

“Sa pangkalahatan, yesterday’s hearing was also a learning experience for everybody including sa mga nag-participate I’m sure mga listener at tagamasid ng hearing kahapon, marami tayong napulot na aral at napulot sa magkabilang panig, yung sa mga biktima at mga law enforcements. Masasabi natin na yung respeto andun, iniwasan pagbanggit ng name ng mga pulis pero kinuwestiyon din yun in terms of fairness dahil ang mga witness pinangalanan so kailangan bigyan ng name ang mga pulis… Sa aming obserbasyon, there was much respect sa pagsagawa ng hearing, may mga pumuna mahaba daw pero karapatan din kasi ng senador na magtanong ng magtanong para malaman nila sa kanilang pananaliksik sa nangyaring kaso na inihayag ng mga witness, mahirap intindihin na marami kung palaging may nagtatanong pero kailangan magtanong para maliwanagan kung anong nangyayari sa kaso,” pahayag ni commissioner Dumpit sa panayam ng Radyo Veritas.

Iinalang kahapon sa imbestigasyon ng Senado ang mga kaanak ng mga napaslang sa operasyon ng pulisya ng sinasabing extra-judicial killings sa Pasay City at sa Antipolo kung saan isang mag-ama at mag-asawa ang napatay bagamat kinasuhan naman ang mga pulis na nakapatay.

Kaugnay nito, iginiit ng CHR na gaya ng mamamayan, tutol na tutol din sila sa operasyon ng ilegal na droga kayat pabor sila sa masigasig na kampanya ng administrasyong Duterte laban ito.

Gayunman, ayon kay CHR commissioner Dumpit, kailangan naman nilang tumutol sa proseso ng kawalan ng due process sa pagpapatupad ng kampanya gaya ng pagpatay sa mga hinihinalang drug pushers.

“Ang komisyon ayaw sa droga like mamamayan, gusto natin ang kampanya maging masigasig, malaki ang naitulong na ang president ang nangunguna sa kampanya laban sa droga, pero as human rights advocate di natin puwede hayaan na ang naaapektuhan sa kampanya ay pababayan na natin, yung proseso ang pino-protektahan namin, ang tao, di tayo namimimili, kung nagkasala dapat paruhasan pero sa makataong paraan at makataong proseso, sa Konstitusyon nakalaan na may karapatan sa due process, na may notice na ikaw ay pinagbibintangan, pangalawa pagkakataong makapagtanggol ng iyong sarili sa isang korte,” ayon pa kay Dumpit.

Papel ng CHR na imbestigahan ang mga hinihinalang kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao ng isang indibidwal na ipinaabot sa kanilang kaalaman at kanilang irerekomenda sa nararapat na ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga ebidensiya upang magamit nito sa paghahain ng kaso laban sa mga suspek.

Inimbestigahan ng komite na pinamumunuan ni Senador Leila de Lima ang kaso dahil sa simula ng maluklok sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte July 1, umabot na sa higit 1,000 ang kaso ng extra-judicial killings habang sa tala ng Philippine National Police nasa 712 ang napatay nila sa operasyon laban sa ilegal na droga.

Una ng hiniling ng Simbahang Katolika at ng mga prolife advocates sa gobyerno na idaan sa due process ang pagpapataw ng parusa sa mga hinihinalang kriminal at hindi ang basta na lamang sila patayin dahil may karapatan din silang magbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,088 total views

 52,088 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,957 total views

 47,957 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,159 total views

 84,159 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 92,731 total views

 92,731 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,663 total views

 117,663 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,574 total views

 80,574 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,836 total views

 270,836 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top