Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

May kapansanang mga bilanggo, bigyan ng clemency

SHARE THE TRUTH

 478 total views

Hiniling ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na isama rin ang mga baldado o may kapansanan na mga bilanggo sa nakatakdang paggawad ng clemency at pagpapalaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakapiit sa national penitentiary.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, noon pa nila ito ipinanawagan sa Pangulo bilang katugunan na rin sa humanitarian obligation sa mga kaawa – awa at nagdurusang bilanggo.

“Matagal na nating inaantay iyan at dapat ginawa na noon pa iyan for humanitarian reasons. At hindi lang yung 80 years old pataas ngunit yung mga baldado nang bilanggo ay dapat palayain na. Makauwi na sa kanilang pamilya at ganundin ang mga bilangguan ay ma-decongest.” Giit ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kinilala at ipinagpasalamat naman ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang hakbanging ito ng Pangulong Duterte lalo’t pagpapakita ito ng pagmamalasakit sa mga matagal ng nakapiit at nakapagsisi na sa kanilang nagawang kasalanan.

“Kung ito ay matutupad tayo ay nagpapasalamat sa ating mahal na pangulo at ating binibigyang pagpapahalaga, pagpaparangal ang kaniyang gagawing pagpapalaya ng mga bilanggo. Bilanggo na kung saan lalo na yung matatanda na at matagal ng naghirap, nagpakasakit sa bilangguan. At kung ito ay matutupad maraming, maraming salamat sa ating mahal na pangulo.” bahagi ng pahayag ng Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Inaasahan namang sa Lunes lalagdaan ni Pangulong Duterte ang kautusan para sa pagpapalaya ng 127 matatanda at may sakit na bilanggo mula sa New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women na nasa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Corrections.

Samantala, ang rekomendasyong ito ng Department of Justice ay bilang pagsunod na rin sa pangako ng Pangulo na pagpapalaya sa mga inmate na may edad 80-anyos pataas at mga bilanggong nakapagsilbi na ng nasa 40 taong sintensiya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,946 total views

 15,946 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 24,046 total views

 24,046 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,013 total views

 42,013 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,244 total views

 71,244 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,821 total views

 91,821 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,685 total views

 91,685 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 87,627 total views

 87,627 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 34,193 total views

 34,193 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 34,204 total views

 34,204 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 34,208 total views

 34,208 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top