Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mayor,Governor at Congressmen, hinimok na huwag makialam sa BSK election

SHARE THE TRUTH

 12,499 total views

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa mga Mayor, Governor at Congressman na huwag makialam sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay DILG Undersecretay Martin Diño, in-charged ng BSK elections, dapat nang ipaubaya ng mga Mayor at Governor ang laban ng mga kandidato sa Baranagay at huwag na itong haluan ng kanilang impluwensya.

Dagdag pa ni Diño, mas mabuti rin na ang mamamayan na ang magdesisyon sa kanilang ibobotong mga kapitan, kagawad at SK sa Barangay at hindi na sila maimpluwensyahan pa ng ilang mga kasalukuyang opisyal ng bansa.

“Nakikiusap kami sa mga Mayor at Congressman, yung mga Governor ay huwag na silang makialam sa halalang pambarangay, hayaan na nating mamili ay ang mga botante sa Barangay,” bahagi ng pahayag ni Diño sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Diño na kung hindi makikiaalam ang ibang mas mataas na opisyal sa pamahalaan ay mababawasan din ang mga nagaganap na political harassments ngayong panahon ng pangangampanya.

Ayon kay Diño, tinatayang 22 na ang naitala ng DILG na election related violence bukod pa ang mga harassments na iniuulat din sa kanilang tanggapan.

Sa tala naman ng Commission on Elections 684,785 ang mga kumakandidato ngayon sa Barangay Elections habang 386,206 naman ang tumakbo para sa mga pwesto sa Sangguniang Kabataan Elections.

Umaasa naman ang Simbahang katolika sa pamamagitan ng election watchdog nitong Parish Pastoral Council for Responsible Voting na sa maayos na pagpili ng mamamayan sa kanilang magiging pinuno ay magmumula sa Barangay na itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamamahala sa bansa ang pagbabagong matagal ng hinahangad ng mga mamamayan

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,442 total views

 9,442 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,542 total views

 17,542 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,509 total views

 35,509 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,830 total views

 64,830 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,407 total views

 85,407 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 12,957 total views

 12,957 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 12,633 total views

 12,633 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

 12,417 total views

 12,417 total views Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 12,425 total views

 12,425 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 12,421 total views

 12,421 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top