Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mayorya ng mga magsasaka, hindi nakikinabang sa programa ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 14,110 total views

Ito ang tugon ni KMP President Danilo Ramos sa paglilipat ng pangangasiwa ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) sa Department of Agriculture.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas iginiit ni Ramos, dapat gumawa ng programa at polisiya ang pamahalaan na tiyak makatutulong sa mga magsasaka.

“Gusto kong bigyan ng diin kung meron mang nakinabang na iniulat ng gobyerno napakaliit po nito at hindi significant walang impact, mumo ang tulong…Dapat gawin ng gobyerno ang seryosong pagtulong at ayuda sa mga magsasaka,” bahagi ng pahayag ni Ramos.

Batay sa Executive Order 60 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isinailalim ang PCIC sa pangangasiwa ng D-A upang higit na matutukan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Pangunahing gawain ng PCIC na isang government-owned or -controlled corporation (GOCC) ay magkaloob ng insurance protection sa mga manggagawa sa agrikultura na lubhang maapektuhan ng natural disasters, plant diseases, and pest infestation.

Pinuna ni Ramos na dalawa hanggang tatlong porsyento lamang mula sa kabuuang pondo ng bansa ang inilalaan para sa pagkain sa halip ay pinagtutuunan ng pansin ang malawakang importasyon ng agricultural products.

Iginiit ng KMP na dapat palakasin ang pagsuporta sa sektor ng agrikultura upang makamit ng Pilipinas ang food security.

“Susi sa murang bigas kailangan po talaga tulungan ang mga magsasaka. Ang dapat po ay palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain hindi ang importasyon,” giit ni Ramos.

Matatandaang sa Administrative Code of 1987 inatasan nito ang DA na itaguyod ang agricultural development ng bansa sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga polisiya, public investments at support services para sa sektor ng agrikultura.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 37,074 total views

 37,074 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 69,069 total views

 69,069 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 113,861 total views

 113,861 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 137,097 total views

 137,097 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 152,496 total views

 152,496 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top