Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,011 total reads

Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin ang karunungan ng kabataan.

Ayon sa santo papa malaking tulong sa lipunan ang masigasig na paglilingkod ng mga tagapaghubog upang matuto ang mga kabataan na inaasahang magpapatuloy sa paglilingkod sa mga susunod na henerasyon.
Tinuran ni Pope Leo ang mga kalahok ng Giffoni Film Festival kung saan nabibigyang pagkakataon ang mga kabataan sa buong mundo na malinang ang kakayahan.

“During the summer months, there are many initiatives involving children and young people, and I would like to thank the educators and animators who dedicate themselves to this service. In this context, I wish to mention the important initiative of the Giffoni Film Festival, which brings together young people from all over the world, and whose theme this year is ‘Becoming Human’,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Noong 1971 nang maitatag ang GFF na layuning isulong at paunlarin ang sining ng pelikula para sa mga kabataan at isang festival para sa mga bata at kabataang manonood.

Ito rin ay nagsilbing plataporma para sa mga produksyong pampelikula na nakatuon sa mga bata at kabataan gayundin ang palitan ng mga ideya sa pagitan ng mga filmmaker, producer, at distributor.

Layunin din ng Festival na itaguyod ang kaalaman at pagpapalaganap ng mga produktong may mataas na artistic values, mga pelikulang may kakayahang mag-ambag sa edukasyon at pag-unlad ng kultural na kamalayan at kritikal na pag-iisip ng kabataan.

Samantala sa parehong pagkakataon muli ring nanawagan si Pope Leo para sa kapayapaan ng buong daigdig at matigil na ang mga karahasan sa lipunan na pawang mga inosenteng sibilyan ang biktima.
“Let us not forget to pray for peace and for all those who, because of violence or war, find themselves in a state of suffering and need,” dagdag ng santo papa.

Patuloy na umiiral sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang mga digmaan na kumitil sa libu-libong mamamayan na karamihan ay mga sibilyan kung saan sa datos naitalang deadliest na digmaan ang World War II na may 70 hanggang 85 milyon ang nasawi kung saan 55 milyon ay mga sibilyan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,798 total reads

 10,798 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,925 total reads

 10,925 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,962 total reads

 19,962 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 76,368 total reads

 76,368 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,869 total reads

 199,869 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 284,243 total reads

 284,243 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top