Mga Filipino, pinasalamatan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,265 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga Filipino ipagpatuloy ang pagiging misyonerong katuwang ng simbahan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Santo Papa sa misa para sa ikalimang daang sentenaryo ng kristiyanismo ng Pilipinas na ginanap sa St. Peter’s Basilica sa Vatican nitong Marso 14, 2021.

Nagalak ang pinunong pastol ng simbahang katolika sa pagiging masigasig ng mga Filipino sa pagbabahagi ng mga turo ng simbahan sa iba’t- ibang dako ng daigdig at sa mga bansang pinagta-trabahuhan.

“I have often said that here in Rome Filipino women are “smugglers” of faith! Because wherever they go to work, they sow the faith. It is part of your genes, a blessed “infectiousness” that I urge you to preserve. Keep bringing the faith, the good news you received five hundred years ago, to others,” pagninilay ni Pope Francis.

Nagpasalamat si Pope Francis sapagkat ang mga migranteng Filipino ang buhay na saksi ng pananampalataya at tagapagdala ng pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan sa pamamagitan ng kani-kanilang gawain.

Bagamat limitado sa 100 katao ang makadalo sa loob ng basilica, dumagsa naman ang maraming Filipino sa paligid ng St. Peter’s Square na sumubaybay sa pamamagitan ng mga monitor screens sa paligid.

Sa paglalarawan ng Sentro Pilipino Chaplaincy emosyonal ang karamihang dumalo sa pagtitipon sapagkat makasaysayang ang nasabing pagdiriwang na pagpapasalamat sa Panginoon sa kaloob na pananampalatayang tinanggap ng mga ninunong Filipino noong 1521.

Sa huli ay pinaalalahanan ni Pope Francis ang bawat isa na mas ihayag sa pamayanan ang mabuting balita ng Panginoon.

“Never be discouraged as you walk this path. Never be afraid to proclaim the Gospel, to serve and to love. With your joy, you will help people to say of the Church too: “she so loved the world!” How beautiful and attractive is a Church that loves the world without judging, a Church that gives herself to the world,” dagdag ni Pope Francis.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,764 total reads

 20,764 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,891 total reads

 20,891 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,475 total reads

 37,475 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,881 total reads

 93,881 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,382 total reads

 217,382 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,932 total reads

 300,932 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top