Mga guro, pinasalamatan ng CBCP-ECCCE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,969 total reads

Pinasalamatan at kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga guro sa kanilang natatanging tungkulin na linangin at hubugin ang mga kabataan na maging huwaran na mamamayan.

Ito ang ipinaabot na mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, chairman ng CBCP-ECCCE sa paggunita ng huling araw ng Teachers Month at International Teachers Day.

Ipinagdarasal ng Obispo na basbasan ng panginoon ng biyaya ang mga guro na ini-aalay ang buhay at oras sa pagtuturo sa mga kabataan.

“Muli po sa mga guro at mga manggagawa sa paaralan, dalangin po ang isang napakaganda at mapagpalang buhay, tulungan nawa kayo ng diyos sa inyong gawain, na magbukas ang puso at isip sa ating mga mag-aaral, pagpalain po kayo ng Diyos sa araw-araw muli po, Happy Teachers Day.” pahayag ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.

Tiniyak rin ni Bishop Mangalinao ang pananalangin para sa ikabubuti ng kalagayan kasabay ng pagkaaroon ng sapat na kalakasan ng mga guro upang maipagpatuloy ang mabubuting adhikain sa pagtuturo ng kaalaman at mabuting asal sa mga mag-aaral.

Tatalima naman ang Alliance of Concerned Teachers sa kanilang mandato na maging boses at kinatawan ng mga guro sa kongreso upang isulong ang mga panukalang batas na magtataas sa kalidad ng edukasyon at kanilang pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 166,630 total reads

 166,630 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 196,743 total reads

 196,743 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 230,866 total reads

 230,866 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 287,272 total reads

 287,272 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top