Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Layko, pinuri ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 703 total views

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang malaking tungkulin ng mga layko sa paglago ng simbahang katolika.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairman Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, ginagampanan ng mga layko ang pagiging tagapagpahayag ng mabuting balita sa mga pangkaraniwang gawain sa lipunan.

Umaasa si Bishop Pabillo na pagsumikapan ng bawat layko na dalhin si Hesus sa mga komunidad upang higit na maipakilala sa sangkatauhan.

“Sana itong mga layko ay maging conscious sa pagsasabuhay at pagpapahayag ng kanilang pananamapalataya kung nasaan sila lalo na sa kanilang mga pamilya,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng opisyal ang kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas sa National Laity Week na nagsimula noong September 24 hanggang October 1.

Tema ng National Laity Week 2022 ay “Journeying together and reflecting together on the journey that has been made: Communion, Participation and Mission” na hango sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

Ayon naman kay Novaliches Bishop Roberto Gaa kung magbuklod ang mga layko sa pagkilos ay magiging matatag at lalago ang simbahang katolika sa Pilipinas.

“Kung ang 99-percent na mga layko ay magiging aktibo, nakikilahok, at nagmimisyon ay doon makikita ang lakas ng layko at pag-unlad ng simbahan,” ani Bishop Gaa sa panayam ng himpilan.

Layunin sa taunang paggunita ng National Laity Week na mabigyang kamalayan ang mga layko sa misyong ebanghelisasyon ng simbahan.

Pangunahing tagapagsulong ng programa ng mga layko ang Sangguniang Layko ng Pilipinas – implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (ECL) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng Simbahan Katolika sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 14,721 total views

 14,721 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 28,781 total views

 28,781 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 47,352 total views

 47,352 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 72,254 total views

 72,254 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567