Mga magulang, hinikayat ng PMA na pabakunahan na ang mga anak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total reads

Hinikayat ng Philippine Medical Association ang mga magulang na pabakunahan laban sa coronavirus disease ang mga batang nasa edad lima hanggang 11 taong gulang.

Ayon kay Dr. Beny Atienza, pangulo ng PMA, tulad ng mga senior citizens at mayroong comorbidities, ang mga bata ay mahina pa ang immune system at mabilis na makapitan ng anumang sakit tulad ng COVID-19.

“Dapat mabakunahan na ang mga bata lalo na po yung 5-11 years old. Ang mga bata kasi ay vulnerable lalo na ‘yung may mga sakit, mayroong comorbidity tsaka immunocompromised ay dapat mabakunahan na,” pahayag ni Atienza sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Paalala ng eksperto na bago bakunahan ang mga bata, dapat muna itong magpakonsulta sa doktor upang malaman kung mayroon itong kasalukuyang karamdaman at mabigyan ng pahintulot na maaari nang makatanggap ang bata ng bakuna kontra-virus.

“Ang napaka-importante lang po dito, dapat po alam natin lalo na po ‘yung may mga comorbidity na bata na dapat may authorization at consent mula sa mga doktor nila upang payagan nang magpabakuna,” ayon kay Atienza.

Samantala, ilan pa sa requirements para sa vaccination ng mga bata batay sa panuntunan ng Department of Health ay dapat mayroong kasamang magulang o guardian ang batang magpapabakuna; katunayan ng relasyon sa magulang o guardian (e.g. birth certificate); Valid ID ng bata at kasamang magulang o guardian; medical certificate, kung mayroong comorbidities; face mask at face shield; mga kagamitang panulat; at alcohol, pamaypay, at inuming tubig.

Dagdag pa rito na kung sakaling walang maipakitang valid ID ang bata, ang mga barangay captain ang maaaring gawing katunayan sa pagkakakilanlan ng bata.
Sisimulan ng pamahalaan ang pamamahagi ng bakuna sa 14 na milyong mga batang may edad lima hanggang 11 ngayong Biyernes, February 4, 2022.

Isasagawa ang vaccination roll out sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North Edsa – Skydome, at Fil Oil Gym sa San Juan City.

Ang Pfizer vaccine ang nakalaang bakuna sa mga bata kung saan mababang dosage at concentration lamang ang ibibigay kumpara sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 19,988 total reads

 19,988 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 118,677 total reads

 118,677 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 162,946 total reads

 162,946 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 186,057 total reads

 186,057 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 260,097 total reads

 260,097 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,727 total reads

 144,727 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top