98,240 total views

Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t ibang hamon na nangangailangan ng agarang tugon mula sa pamahalaan at lipunan.

Ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga ating mga seniors. Maraming sa kanila ang walang sapat na pinagkukunan ng kita matapos silang magretiro, lalo na’t ang mga benepisyong natatanggap mula sa Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS) ay madalas na hindi sapat para tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Dahil dito, marami ang napipilitang magpatuloy sa pagtatrabaho kahit na sila’y dapat na magpahinga na, o kaya’y umaasa na lamang sa kanilang mga anak o pamilya.

Bukod sa aspetong pinansyal, ang kalusugan ay isa ring malaking suliranin para sa mga nakatatanda. Ang pagtanda ay kadalasang sinasabayan ng mga sakit tulad ng arthritis, diabetes, at iba pang chronic conditions na nangangailangan ng regular na gamutan at pangangalaga. Subalit, ang access sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan ay limitado para sa maraming senior citizens, lalo na sa mga nasa kanayunan o mga lugar na malayo sa medical facilities.

Ang social isolation o ang pakiramdam ng pag-iisa ay isa pang problema na kinakaharap ng mga nakatatanda. Sa modernong panahon, kung saan abala ang mga nakababatang henerasyon sa kani-kanilang trabaho at responsibilidad, madalas na nakakaligtaan ang mga nakatatanda, na nagreresulta sa kanilang pagkakahiwalay mula sa kanilang pamilya at komunidad. Kadalasan pa nga, mas gusto nating tumutok sa gadgets natin kaysa makipag kwentuhan sa ating mga lolo at lola. Ang kawalan ng social interaction ay maaaring magdulot ng depresyon at iba pang mental health issues sa mga senior citizens.

Kapanalig, dapat maibalik natin ulit ang bahagi ng ating kultura na nagpa prioritize sa pamilya, lalo na sa ating mga lolo at lola. Ang pagbibigay respeto at pagkilala sa mga magulang at lolo’t lola na nagbigay ng gabay at suporta sa atin ay kailangan ulit mamayani sa ating lipunan. Kailangan na mabigyan natin ng pagpapahalaga ang ating mga seniors, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Kailangan nila ng ating aktibong pangangalaga at suporta sa kanilang pisikal, emosyonal, at pinansyal na pangangailangan. Sabi ng ani Pope Francis para sa World Day for Grandparents and the Elderly: let us show our tender love for the grandparents and the elderly members of our families. Let us spend time with those who are disheartened and no longer hope in the possibility of a different future.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 5,157 total views

 5,157 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 24,129 total views

 24,129 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 56,794 total views

 56,794 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 61,907 total views

 61,907 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 103,979 total views

 103,979 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

BICAM OPEN TO PUBLIC

 5,158 total views

 5,158 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 24,130 total views

 24,130 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 56,795 total views

 56,795 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 61,908 total views

 61,908 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 103,980 total views

 103,980 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 114,966 total views

 114,966 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 116,895 total views

 116,895 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 126,004 total views

 126,004 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 110,168 total views

 110,168 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 129,273 total views

 129,273 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »
Scroll to Top