Military Ordinariate of the Philippines, pasisiglahin ni Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Magandang pagkakataon ang pagkakatalaga ng bagong Obispo sa Military Ordinariate of the Philippines dahil magpapasigla ito sa mga Paring naglilingkod sa hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine National Police.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalaga ang pagkakatalaga sa kaniya ng Kaniyang Kabanalan Francisco upang magabayan ang mga Pastol ng Simbahan sa iba’t-ibang Chaplainces sa mga Kampo ng mga hukbo sa buong Pilipinas.

“This is very significant dahil it can boost the morale of the chaplains na mayroon silang Bishop and Shepherd,” bahagi ng panayam kay Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Mahalaga rin ito na paggunita ng Kuwaresma, ang apatnapung araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Sinabi ni Bishop Florencio na malaking gampanin na mangangasiwa sa mga gawain sa buong Kuwaresma at matiyak na ito ay maipatutupad ng nakasusunod sa liturhikal na alituntunin.

Mahalaga sa mga Pari sa buong mundo ang Mahal na Araw partikular ang Chrism Mass kung saan sasariwain ang kanilang sinumpaang katungkulan bilang mga lingkod ng Panginoon.

“It is significant also because during this lenten season dahil dito po ang renewal of vows ng mga chaplain on their commitments and they will have to renew that with their new Bishop,” dagdag pa ni Bishop Florencio.

DIWA NG KUWARESMA
Hinimok din ng Obispo ng Military Diocese ang mga mananampalataya na isapuso ang paggunita ng Kuwaresma upang higit na mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagpapatawad, pagninilay at pagkakawanggawa sa kapwa.

Inihayag ng Obispo na marapat pagnilayan ng tao ang bawat ginagawa lalo na sa mga tagapagpatupad ng batas upang nababatay sa katuruan ng Simbahan at kalooban ng Panginoon ang magiging bunga nito.

“I think it will be good also to consider na ang ating mundo ang ating lipunan ngayon actually needs sometime going deeper into one’s self introspection, so that whatever we do ito ay bunga ng ating pananampalataya,” ani ni Bishop Florencio.

Sinabi pa ng Obispo na ang pagtitiwala, pagkakaisa at pag-uunawaan ng mamamayan ay magdudulot ng panibagong buhay sa pamayanan na makatutulong sa pag-unlad hindi lamang sa Simbahan kundi maging sa lipunang kinabibilangan.

Si Bishop Florencio na itinalagang pinuno ng Military Ordinariate of the Phililippines noong ikalawa ng Marso ay ang ikapitong Obispo ng military diocese na mangangasiwang pastoral sa mga Katolikong naglilingkod sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coastguard, Philippine National Police at sa mga nasa piitan.

Sa tala ng Catholic Hierarchy ang military diocese ay binubuo ng higit 120 mga Pari na naitalaga sa 65 mga Parokya sa buong bansa.

Bilang Obispo, nakapagtapos ito ng Doctorate in Sacred Theology sa Pontifical University of the Holy Cross sa Roma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,192 total reads

 214,192 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,865 total reads

 248,865 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,765 total reads

 264,765 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,255 total reads

 301,255 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,141 total reads

 307,141 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top