Hindi pagkain ng karne, nagbibigay buhay sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 344 total views

Binigyang diin ni Rev. Fr. John Leydon, MSSC – Convener ng Global Catholic Climate Movement – Pilipinas na hindi lamang para sa ispirituwalidad at pagsasakripisyo ng mga Katoliko ang hindi pagkain ng karne ngayong panahon ng kuwaresma.

Ayon sa pari, bukod sa mabuti ito sa kalusugan ay malaking tulong din ang pag-iwas sa pagkain ng karne sa kalikasan.

Lumabas sa pag-aaral na ang produksyon ng 1pound na karne ay may katumbas na 2,400 na galon ng tubig, habang ang 1 pound ng wheat o trigo ay kumokonsumo lamang ng 25 galon ng tubig.

Bukod dito, naglalabas din ng greenhouse gas ang livestock at meat production. Sa bawat 0.5 pound serving, ang produksyon ng karne ng manok ay mayroong katumbas na 0.55 pound ng Carbon dioxide, ang produksyon ng mga baboy ay may katumbas na 1.90 pounds ng Carbon dioxide at ang produksyon ng mga baka ay 7.40 pounds ng CO2 na katumbas ng 9.81 miles ng isang sasakyan.

“Hindi kaya ng ating planeta yung pag e-expand ng meat industry.” Bahagi ng pahayag ni Father Leydon sa Radyo Veritas.

Dahil dito, naniniwala si Father Leydon na ang hindi pagkain ng karne at pagsasagwa ng plant based diet ay isang paraan din ng pagbabalik loob sa Panginoon sa pamamagitan ng pangangalaga sa inang kalikasan.

Ipinaalala ng pari ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si na dinggin ang daing ng kalikasan at panaghoy ng mga mahihirap.

Aniya, sa pamamagitan ng plant based diet ay mababawasan ang demand sa karne at marami na ang tatangkilik sa organic vegetable ng mga katutubo.

Iminungkahi din ni Father Leydon na magkaroon ng maliit na vegetable garden na maaaring gawin kahit na ng mga naninirahan sa kamaynilaan.

“Yung pagbabalikloob ang kailangan, pagbabalik loob sa sanilikha. We really need to wake up sa panawagan ng Diyos, sa daing ng ating planeta.” Dagdag pa ng Pari.

Read: KILUSANG PLANT-BASED

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 6,361 total views

 6,361 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 27,384 total views

 27,384 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 46,356 total views

 46,356 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 78,939 total views

 78,939 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 83,949 total views

 83,949 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 158,428 total views

 158,428 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 102,274 total views

 102,274 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top