Misyong Pilipino retreat, biyaya sa mananampalatayang Pilipino sa Gitnang Silangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,561 total reads

Itinuring na paalala ng mga Pilipino sa Middle East ang isinasagawang Misyong Pilipino retreat.

Ayon kay Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi Director Rommel Pangilinan, pagpapaigting din ito sa pananampalataya lalo’t minorya lamang ang mga kristiyano sa lugar.

“Lubos ang pasasalamat sa Diyos dahil itong retreat na ito ay isang pagpapaala ng aming matibay na pananampalataya sa Diyos sa kabila ng mga hamon sa Gitnang Silangan.” pahayag ni Pangilinan sa Radio Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Hans Magdurulang ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene ang series of retreat sa United Arab Emirates na layong higit mapalalim ang pananampalataya ng mga Pilipinong kristiyano sa lugar.

Tema sa pagtitipon ngayong taon ang ‘Pagbabalik…Pagbabagong Buhay!’ lalo’t ngayon lang muling naisagawa ang Misyong Pilipino retreat makalipas ang tatlong taong pag-iral ng COVD-19 pandemic.

Ginana sa St. Paul Church sa Mussafah ang unang retreat noong September 25 hanggang 28 na sinundan sa St. John the Baptist Parish sa Ruwais noong September 29 hanggang October 1 habang October 3 hanggang 6 naman sa St. Joseph Cathedral sa Abu Dhabi.

Noong 2019 naitala sa lugar ang halos isang milyong katoliko lalo na noong dumalaw ang Santo Papa Francisco kung saan nasa 700, 000 rito ay mga Pilipinong mananampalataya.

Una nang kinilala ng santo papa ang mga migranteng Pilipino bilang smugglers of faith dahil sa kanilang pakikisangkot sa misyong dalhin ang mabuting balita sa pamayanan lalo na sa lugar na kanilang kinabibilangan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.(norman)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,916 total reads

 60,916 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,924 total reads

 139,924 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,369 total reads

 173,369 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,667 total reads

 208,667 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,735 total reads

 432,735 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top