Cardinal Advincula: Debosyon sa Our Lady of Sorrows, isabuhay sa pagkalinga sa naghihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,487 total reads

Hinamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga deboto ng Our Lady of Sorrows na huwag manatili sa debosyon lamang, kundi isabuhay ito sa konkretong pagkalinga at pakikiisa sa mga taong dumaranas ng sakit, kahirapan at pang-aapi.

Sa kanyang homiliya sa ika-85 na patronal fiesta ng Our Lady of Sorrows Parish sa Pasay City, sinabi ni Cardinal Advincula na ang pagninilay sa mga dalamhati ng Birheng Maria ay dapat magbunsod sa mga mananampalataya na maging higit na sensitibo sa paghihirap ng kanilang kapwa.

“Our Lady’s sorrowful face thus prods us to concretely do something to alleviate the plight of our brothers and sisters and to also stand by them and for them at the foot of their crosses,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng kardinal na hindi ang pagdurusa mismo ang ipinagdiriwang sa kapistahan ng Our Lady of Sorrows, at hindi rin itinuturo ng pananampalataya na nalulugod ang Diyos sa paghihirap ng kanyang mga nilikha.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang Diyos na lumilikha, tumutubos at nagpapabanal sa tao ay nagnanais ng ganap na buhay para sa lahat.

“Our God who creates, redeems, and sanctifies us only desires the fullness of life for all of us. Any assertion contrary to this is not in accord with Christian faith,” aniya.

“Sorrow becomes redemptive if it is because of and offered for others out of love.”

Sa pagninilay sa pitong dalamhati ni Maria, hinikayat ni Cardinal Advincula ang mga Kristiyano na magkaroon ng tapang na yakapin ang mga krus ng buhay, hindi dahil hinahangad ng Diyos ang kanilang paghihirap, kundi dahil sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Iginiit niyang sa gitna ng mga pagsubok, nananatili ang Diyos na kasama ng tao at hindi siya iniiwan.

“Our Blessed Mother reminds us that we are never alone. Jesus is Emmanuel, God with us. Jesus never abandons us but fully understands us, especially when we go through the sorrowful mysteries of life.”

Katuwang ni Cardinal Advincula sa pagdiriwang sina Fr. Cris Robert Cellan, SSP, ang kasalukuyang kura paroko ng parokya; Fr. Mario Sobrejuanite, SSP, Provincial of the Society of St. Paul Philippines-Australia Province; mga Paulinong pari; at iba pang pari mula sa karatig na mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,633 total reads

 56,633 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,129 total reads

 143,129 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,166 total reads

 186,166 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,925 total reads

 235,925 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,433 total reads

 394,433 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top