OCTA: 64% ng mga Pilipino, kuntento sa performance ng kanilang kongresista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,124 total reads

Anim sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa performance ng kanilang district representative o kongresista, batay sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na 64 porsyento ng adult Filipinos ang nagsabing mahusay ang performance ng kanilang sariling district representative.

Isinagawa ang survey mula Hulyo 4 hanggang 11, 2026. Dalawampu’t pitong porsyento naman ang hindi sumang-ayon sa magandang performance ng kanilang kinatawan, habang siyam na porsyento ang hindi makapagpasya.

Mas mataas ito kumpara sa 37 porsyentong satisfaction rating ng House of Representatives bilang institusyon. Nasa 38 porsyento naman ang trust rating ng Kamara.

Ipinaliwanag ni David na maaaring mas nakikita ng mga botante ang trabaho at serbisyo ng kanilang sariling kongresista dahil direktang nakaugnay ito sa kanilang distrito

“Specifically, siguro, satisfaction is related to performance, so kung ano ‘yung ginagawa nila. Pero ang trust, mas universal ‘yung trust, parang tiwala ba kayo,” bahagi ng paliwanag ni David sa Radyo Veritas.

Samantala, sa parehong survey, 38 porsyento ang satisfied sa performance ng Senado, habang 37 porsyento naman para sa Kamara.

Binigyang-diin ni David na mahalaga para sa mga botante na makita ang kanilang mga halal na opisyal na nakatutok sa mga pangunahing problema tulad ng trabaho, sahod, kahirapan at korapsyon.

“Gusto nila, working for us. Kasi, tutal ‘yung taxpayers naman ‘yung nagpapasweldo sa ating mga senators, ‘di ba? So dapat ginagawa nila kung ano ‘yung para sa mga kababayan natin, which is nakafocus dito sa mga issues natin dito sa kagutuman, sa trabaho, sa sweldo, poverty,” Ani David.

Nilinaw naman niya na hindi direktang sinukat ng survey kung bakit kuntento ang mga respondent o kung personal nilang kilala ang kanilang district representative.

Mahalaga rin aniya ang patuloy na pagsusuri ng mga botante sa performance ng kanilang mga kinatawan, lalo na habang papalapit ang halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,264 total reads

 50,264 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,031 total reads

 147,031 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,300 total reads

 191,300 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,409 total reads

 214,409 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,339 total reads

 287,339 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top