Bishop Varquez, pormal nang iluluklok bilang bagong Obispo ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,621 total reads

Itinakda sa Oktubre 27 ang canonical possession at solemn installation ni Bishop-designate Crispin Varquez bilang ikawalong obispo ng Diocese of Tagbilaran.

Isasagawa ang seremonya alas-9 ng umaga sa St. Joseph the Worker Cathedral Shrine-Parish sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa pahayag ng diyosesis, tinanggap nito bilang biyaya ang pagkakaroon ng bagong pastol na mangunguna sa mga gawaing pastoral at espirituwal para sa mahigit isang milyong mananampalataya.

“We give thanks to God for the gift of a new shepherd to lead our Diocese and accompany us in our journey of faith,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Pangungunahan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang seremonya ng pagluklok kay Bishop-designate Varquez, habang si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang magbibigay ng pagninilay.

Dadalo rin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, kasama ang mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

Si Bishop-designate Varquez ay tubong Sevilla, Bohol at itinalaga ni Pope Leo XIV bilang bagong obispo ng Tagbilaran noong Setyembre 10, matapos ang halos isang taon na pagiging sede vacante ng diyosesis.

Naordinahang pari ng Tagbilaran noong Abril 14, 1989, nagpatuloy siya sa pag-aaral para sa seminary formation sa Cebu City at family counseling sa Center for Family Ministry ng Ateneo de Manila University.

Naging formator din siya sa Immaculate Heart Seminary sa Bohol at St. Augustine Major Seminary sa Tagaytay, bukod sa paglilingkod sa iba’t ibang tanggapan ng diyosesis, kabilang ang pagiging vicar general.

Noong Oktubre 18, 2007, itinalaga siyang obispo ng Diocese of Borongan, kung saan siya unang naglingkod bilang obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,797 total reads

 21,797 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,947 total reads

 102,947 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,396 total reads

 136,396 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,694 total reads

 171,694 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,503 total reads

 397,503 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top