Mananampalataya, hinimok na huwag manatili sa loob ng mga gusali ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,610 total reads

Hinimok ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ang mga mananampalataya simbahan na huwag manatiling nakapaloob lamang sa mga gusali ng simbahan kundi maging aktibong tinig at tagapagtanggol ng mga naaapi lalo na ang mahihinang sektor sa gitna ng hamong kinakaharap ng lipunan.

Sa kanyang homiliya sa ikapitong araw ng misa nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa Naga Cathedral, sinabi ng obispo na ang pagiging malagong Simbahan ay nangangahulugan nang pagmamalasakit sa pangangailangan ng kapwa.

“Ina nurtures a growing church not to remain safely inside the sanctuary, but to step out and speak God’s truth with unyielding courage and love to protect and take care of the vulnerable,” ayon kay Bishop Dialogo.

Binigyang-diin ng obispo na mahalaga ang ganitong uri ng prophetic witness sa harap ng nangyayaring “political deceit” at “fractured leadership” sa bansa.

Aniya, ang pagsasabuhay ng Salita ng Diyos ay nangangailangan ng integridad at pananagutan.

“In the shadow of a political crisis, observing the word means choosing integrity, demanding accountability, and fiercely protecting the marginalized,” giit ng obispo.

Iniugnay rin ni Bishop Dialogo ang tema ng Peñafrancia na “Ina: Nurturing a Growing Church” sa pagpapalakas ng pamilya bilang pundasyon ng Simbahan.

Ayon sa chairman ng CBCP Commission on Family and Life, sa pamilya nagsisimula ang paghubog sa mga pagpapahalaga ng mga bata at kabataan, lalo na sa panahon ng malakas na impluwensiya ng social media at mabilis na paglago ng teknolohiya.
Binigyang-diin ng obispo na sa pamilya unang natututuhan ang paggalang sa kapwa, malasakit sa kalikasan, mabuting asal, katapatan at integridad.

“Kaya ‘yung nurturing the growing church, we start in the family. Kung malakas po ang pundasyon ng mga ito, kahit na sila lumabas at ang daming impluwensya ng social media, kung nakaugat ‘yan sa pamilya, hindi ho matitinag,” pahayag ni Bishop Dialogo sa Radyo Veritas.

Tinuran din ng obispo ang mga nangyayaring pagbaha at iba pang kalamidad sa bansa na lubhang nagpapahirap sa mamamayan at iginiit na dapat makita sa konkretong pagkilos ang pagsasabuhay ng pananampalataya bilang bahagi ng paglago ng pamayanan at simbahan.

“In the wake of typhoons and floods, observing the word means opening our parishes, sharing our resources, and opening our hearts to those who are shivering in the dark,” aniya.

Samantala, hamon ng obispo sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagiging ganap na ecclesial communities ng Archdiocese of Caceres at mga diyosesis ng Sorsogon at Legazpi na hindi lamang paggunita sa nakaraan ang bibigyang pansin kundi isabubay ang isang Simbahang mas mapagmalasakit, naninindigan at puno ng pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,658 total reads

 38,658 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,393 total reads

 74,393 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,663 total reads

 300,663 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,131 total reads

 194,131 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,082 total reads

 286,082 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top