Tuparin ang mandato ng Korte Suprema na magpasa ng anti-dynasty law, panawagan ni Cardinal David sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,611 total reads

Nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa Kongreso na ipatupad na ang utos ng 1987 Constitution na magpasa ng batas laban sa political dynasties, kasunod ng unanimous ruling ng Supreme Court na tinukoy ang matagal na pagkabigo ng lehislatura bilang “grave abuse of discretion.”

Sa kanyang Facebook account, binigyang-diin ni Cardinal David ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman matapos ang 39 na taon mula nang pagtibayin ang 1987 Constitution.
Ayon sa Cardinal, malinaw sa Article II, Section 26 ng Konstitusyon ang mandato na tiyakin ang pantay na access sa oportunidad para sa public service at ipagbawal ang political dynasties ayon sa itatakda ng batas.

“Thirty-nine years. That is how long Congress has failed to enact the law required by the 1987 Constitution to prohibit political dynasties. Today the Supreme Court finally said: enough.” Bahagi ng mensahe ni Cardinal David.

Sinabi ni Cardinal David na sa unanimous decision ng Supreme Court, idineklara nitong may mandatory constitutional duty ang Kongreso na magpatupad ng anti-political dynasty law at inatasan itong kumilos nang may “utmost urgency” at ipasa ang batas sa lalong madaling panahon.

Para kay Cardinal David, mahalaga ang naturang desisyon dahil nananatiling laganap ang political dynasties sa bansa habang hindi pa naisasabatas ang malinaw na depinisyon at pagbabawal na hinihingi ng Konstitusyon.

“In a unanimous decision, the Court declared that Congress has a mandatory constitutional duty to enact an anti-political dynasty law, and that its prolonged failure to do so constitutes “grave abuse of discretion” and a continuing violation of its constitutional duty. The Court directed Congress to act “with utmost urgency” and enact the law “at the earliest opportunity.” Those are exceptionally strong words.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ng Obispo na mahalaga ang mga institusyong konstitusyonal sa paglalagay ng limitasyon sa paggamit ng kapangyarihan, kabilang ang kapangyarihan ng mga mambabatas na gumagawa ng batas.

“This is precisely why constitutional institutions exist—to place limits on power, including the power of those who make our laws.” Ayon pa kay Cardinal David.

Sa huli, nanawagan si Cardinal David sa Kongreso na tumugon sa naging desisyon ng Korte Suprema upang isulong ang tunay na demokrasya at patas na karapatan ng bawat isa na makapaglingkod ng tapat sa bayan.

“Thirty-nine years is long enough. Congress, the Supreme Court has spoken. Now enact the law.” Ani pa ni Cardinal David.

Ang naging pahayag ng Cardinal ay kasunod ng desisyon ng Supreme Court na nagsabing bagamat walang partikular na deadline na itinakda ang Konstitusyon para sa pagpasa ng naturang batas, ngunit hindi ito nangangahulugan na maaaring ipagpaliban nang walang hanggan ang pagtupad sa constitutional mandate na nasasaad sa Konstitusyon.

Sa bahagi ng Simbahan, ang usapin ng pamamahala ay may direktang kaugnayan sa kabutihang panlahat, pananagutan sa paggamit ng kapangyarihan, at pantay na pagkakataon ng mga mamamayan na makilahok sa paglilingkod-bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,703 total reads

 50,703 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,442 total reads

 147,442 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,711 total reads

 191,711 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,820 total reads

 214,820 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,721 total reads

 287,721 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top