Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MOP, nagpaabot ng pagbati sa uniformed at civilian personnel ng bansa

SHARE THE TRUTH

 40,219 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Military Ordinariate of the Philippines sa lahat ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan para sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, ang pasko ay isang pambihirang pagkakataon upang muling alalahanin ang kaligayahan at kapayapaan na hatid ng pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

Nawa ayon sa Obispo ay masumpungan ng bawat isa lalo’t higit ang mga kawani ng pwersa ng pamahalaan na naglilingkod sa pagtiyak ng kaligtasan at kapayapaan ng bansa ang kapayapaan at kapanatagan na hatid ng pagsilang ng Hesus na siyang tagapag-ligtas ng sanlibutan.

“Every Christmas celebration recalls joy, peace and love for the first Christmas when Jesus was born, the Gospel recounts immense joy, incomparable peace and overflowing love. Sana ngayong pasko maibalik natin at maranasan uli ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat. I greet all of you especially our uniformed men and women in duty with joy, peace and love of Christmas and send you the blessings from God.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio.

Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pagsisilbing pastol at gabay ng Military Ordinariate of the Philippines para sa lahat ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan.

Ayon kay Bishop Florencio, bahagi ng tungkulin ng Military Diocese ang pagbibigay gabay at pag-asa sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na itinataya ang kanilang buhay upang isakatuparan ang kanilang mandato na protektahan ang sambayanan at tiyakin ang kapayapaan ng lipunan.

“With our clergy and chaplains, we continue to build a society that is filled with hope, driven by charity and propel by peace.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 10,202 total views

 10,202 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 40,283 total views

 40,283 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 54,342 total views

 54,342 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 72,839 total views

 72,839 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567