Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 501 total views

Mga Kapanalig, hindi maikakailang tumatak sa isipan ng mga botanteng Pilipino ang pangako noong kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr na pabababain niya ang presyo ng bigas sa bente pesos kada kilo. Kung mananalo raw siya, isa sa mga gagawin niya sa unang taon ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka. Ipag-uutos din daw niyang bilhin ng gobyerno ang ani ng ating mga magsasaka sa mas mataas na presyo. Hahabulin din daw ng kanyang pamahalaan ang mga cartel na kumokontrol sa suplay ng bigas sa pamilihan. Kapag mas masagana ang ani ng ating mga magsasaka, sasapat daw ang suplay ng bigas kaya’t hindi na raw kailangang mag-import ng bigas mula sa ibang bansa.1 

Fast forward sa kasalukuyan, patuloy ang pag-aray ng marami sa presyo ng bigas. Sa mahal nito sa mga pamilihan, naglabas na ang pangulo ng kautusang nagtatakda ng price ceiling sa bigas. Ang isang kilo ng regular-milled rice ay hindi pwedeng ibenta nang lampas sa ₱41, habang ₱45 naman ang pinakamataas na presyo ng isang kilo ng well-milled rice. Maraming manininda ang hiráp sa pagsunod sa price ceiling dahil lugi sila. Binibili kasi nila nang mas mahal sa itinakdang price ceiling ang bigas mula sa mga supplier. 

Kaya naman, maging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsabing “daydreaming” o tila pananaginip nang gising ang bente pesos na kilo ng bigas. Tanggapin na lang daw nating hindi mararating ang ganitong presyo ng bigas. Masyado raw itong mababa at hindi makatotohanan batay sa kasalukuyang kalagayan ng pandaigdigang pamilihan.2  

Mabigat na pahayag ito mula sa dating presidenteng nagbitiw din ng pangakong mawawala ang problema natin sa kriminalidad, katiwalian, at ipinagbabawal na gamot sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Kapag mabigo raw siya, magbibitiw siya sa puwesto.3 Tiyak na marami ring bumoto sa kanya dahil sa pangakong ito—isang pangakong katulad ng pagbababa ng presyo ng bigas ay hindi natupad. Hindi rin naman bumaba sa puwesto ang dating pangulo. Ilang buwan bago matapos ang kanyang termino, inamin ni dating Pangulong Duterte sa isang talumpating nagkamali siya. Nadala lang daw siya ng “payabangan” noong panahon ng kampanya.4  

Hindi natin alam kung marami sa mga bumoto sa dati at kasalukuyan nating mga pangulo ang nadismaya sa mga napakong pangako ng kanilang mga piniling iluklok sa pinakamakapangyarihang posisyon sa gobyerno. Ngunit ang malinaw, lahat tayo ay damay sa pinili ng mas nakararami—ng labing-anim na milyong botanteng nasa likod ng pagkapanalo ng isang lider na akala nila ay may kamay na bakal at ng tumataginting na 31 milyong botanteng nagluklok sa anila’y magbabalik sa atin sa pinaniniwalaan nilang “golden age”. Sa kanilang pagboto, pinanghawakan nila ang mga pangakong malinaw namang suntok sa buwan. Patuloy pa rin ang kriminalidad at kalat pa rin ang ipinagbabawal na gamot. Ngayon naman, presyong ginto na ang mga bilihin. 

Isa sa mga batayang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan ay ang tinatawag na common good o kabutihang panlahat. Ito sana ang gumagabay sa atin sa tuwing may eleksyon. Ito sana ang isinasaalang-alang natin kapag pumipili tayo ng mga mamumuno sa ating bayan. Ito sana ang mangibabaw kaysa sa magagandang pangakong naririnig natin. Kapag hinayaan nating maloko tayo ng mabubulaklak na salita at matatayog na mga pangarap na malayo sa realidad, mabibigo tayong makamit ang kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, “ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan.” Maging paalala sana ang bersong ito mula sa Mga Kawikaan 15:2 sa tuwing sinusuyo ng mga pulitiko ang sagrado nating boto tuwing eleksyon. Sabi nga, huwag na sana tayong laging magpabudol. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,794 total views

 73,794 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,789 total views

 105,789 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,581 total views

 150,581 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,528 total views

 173,528 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,926 total views

 188,926 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 960 total views

 960 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,014 total views

 12,014 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,795 total views

 73,795 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,790 total views

 105,790 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,582 total views

 150,582 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,529 total views

 173,529 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,927 total views

 188,927 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,899 total views

 135,899 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,323 total views

 146,323 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,962 total views

 156,962 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,501 total views

 93,501 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,791 total views

 91,791 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top