Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nagkakaisang tugon sa kalamidad, paiigtingin ng Simbahan.

SHARE THE TRUTH

 329 total views

Ito ang misyon ng tatlong araw na 1st Caritas Disaster Response Summit ng iba’t-ibang social action centers at social arm ng Simbahang Katolika na isasagawa sa Legazpi, Albay ang itinuturing na “gateway to all natural disasters” mula ika-30 ng Mayo hanggang a-uno ng Hunyo, 2016.

Ang summit ay pangungunahan ng Diocese of Legazpi, Nassa/Caritas Philippines, Caritas Manila at Radio Veritas846.
Binigyan diin ni NASSA/Caritas Philippines executive secretary Father Edu Gariguez na ang tema pagpupulong ay “Linking Church Structures and Mechanism to Humanitarian Strategies in times of disaster and emergencies”.
Ayon kay Father Gariguez, napakahalaga ang pagpupulong sa pagkakaisa at pagsama-sama ang iba’t-ibang social action network ng Simbahang Katolika para sa nagkakaisang tugon sa mga dumarating na kalamidad sa Pilipinas.

Iginiit ng pari na layon ng summit na makabuo ng isang “road map” para sa disaster preparedness o pag-isahin ang mga epektibong disaster preparedness program ng iba’t-ibang Diocese ng Simbahang Katolika sa Pilipinas at i-ugnay o e-integrate sa mga programa at contingency plan ng Caritas Philippines,Caritas Manila at mga member organization ng Caritas Internationalis.

“Napakahalaga po nito dahil tayo mismo sa network ng ating simbahan ay kinakailangang magkaisa at magkasama-sama upang mas maihanda ang ating nagkakaisang tugon sa mga dumarating na kalamidad. Ang tema ng summit “linking church structures and mechanisms to humanitarian response strategies in times of disasters and emergencies”. Kaya sa unang pagkakataon magtitipon-tipon ang mga organisasyon ng Simbahan involve sa mga pagtugon sa kalamidad at pag-uusapan natin kung paano magiging masinop ang ating tugon. Bahagi din ng ating pagtitipon magkaroon tayo ng tinatawag nating “road map” para sa disaster preparedness.”paglilinaw ni Father Gariguez sa Radio Veritas.

Inihayag ng pari na layon din ng pag-uusap na magkaroon ng “national sustainability plan” para makabuo ng isang mekanismo na i-mobilize, i-sustain at i-manage ang mga disaster response ng Simbahang Katolika.

Inaasahan din ni Father Gariguez na mabubuo sa national disaster response summit ang pagkakaroon ng capacity building sa lokal at national level para sa pakikipag-tulungan ng iba pang civil society groups at local government units na tumutugon kapag dumadating ang kalamidad sa bansa na pinaka-disaster prone sa buong mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,421 total views

 9,421 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,521 total views

 17,521 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,488 total views

 35,488 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,809 total views

 64,809 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,386 total views

 85,386 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 21,558 total views

 21,558 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 39,856 total views

 39,856 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top