Naulila ng mga biktima ng war on drugs, tinutulungan ng Arnold Janssen Kalinga foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,163 total reads

Patuloy na pinupunan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang pangangailangan ng naulilang kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang programa, tulong at suporta ng organisasyon sa mga naiwang asawa, magulang at mga anak ng mga biktima ng extra-judicial killings sa bansa.

Isa sa mga pangunahing programa sa ilalim ng Program Paghilom ay ang pagkakaloob ng legal assistance para sa mga kaanak na nagnanais na mabigyang katarungan ang sinapit na karahasan ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa organisasyon na pinangangasiwaan ni St. Arnold Janssen Kalinga Center Founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD batid ng Simbahan ang hindi madaling proseso ng legal na pagdodokumento at pagsasampa ng kaso lalo na ng mga pamilya na walang sapat na kakayahan at kaalaman sa legal na proseso ng batas.

“What often stands in the way of justice? In many cases, it’s the unavoidable burden of paper work & legal documentation.” Pagbabahagi ng AJ Kalinga.

Katuwang ang legal advocacy partner ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na IDEALS, Inc. ay 10-kaanak ng mga biktima ng EJK mula sa Batch 17 ng Project Paghilom ang nakapaghain ng kanilang mga sinumpaang salaysay noong ika-4 ng Marso, 2023 kung paano napaslang ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng madugong War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Last Saturday, March 4, our legal advocacy partner, IDEALS, Inc., helped 10 EJK mothers & widows of #ProgramPaghilom Batch 17 file their sworn statements regarding the events & circumstances surrounding how they lost a a family member in the Duterte administration’s bloody drug war. With the help of our partners, our Paghilom families stand a chance.” Dagdag pa ng AJ Kalinga.

Taong 2016 ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang “Paghilom Program” ng Arnold Janssen Kalinga Foundation upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa marahas na War on Drugs ng administrasyong Duterte.

UNDAS 2026, generally peaceful

 22,812 total reads

 22,812 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 41,059 total reads

 41,059 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 90,811 total reads

 90,811 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 250,005 total reads

 250,005 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 277,165 total reads

 277,165 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 309,624 total reads

 309,624 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 22,813 total reads

 22,813 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top