NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,817 total views

Nagpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan.

Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging aktibo si Cardinal-elect David sa pakikipagpagtulungan sa komisyon upang isulong at bigyang halaga ang kasaysayan ng bansa.

Ibinahagi ng NHCP na kabilang sa partikular na naging ugnayan at pagtutulungan ng komisyon at ni Cardinal-elect David ay ang mga nakalipas na pagdideklara ng National Historical Commission of the Philippines sa ilang mga makasaysayang Simbahan sa Diyosesis ng Kalookan kabilang na ang “Simbahan ng Navotas” noong December 10, 2021 at ang “Katedral ng Kalookan” noong March 31, 2022.

“We greet the Most Reverend Pablo Virgilio S. David, D.D. for his upcoming elevation to the rank of cardinal in the Roman Catholic Church. Bishop David currently serves the Roman Catholic Diocese of Kalookan and is the President of the Catholic Bishops Conference of the Philippines. In these capacities, he actively collaborated with the government’s cultural agencies. He warmly welcomed the NHCP when it unveiled the historical markers “Simbahan ng Navotas” on 10 December 2021 and “Katedral ng Kalookan” on 31 March 2022.” bahagi ng pagbati ng NHCP.

Kinilala rin ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang tuwinang pagbabahagi ni Cardinal-elect David sa kanyang mga pagninilay at homiliya ng kahalagahan ng pangangalaga sa kasaysayan at pagpapatuloy sa mga pamana ng naunang henerasyon sa kasalukuyang panahon.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pananabik ang NHCP upang patuloy na makipagtulungan at makipag-ugnayan kay Cardinal-elect David para sa patuloy na pagpapanatili at pagtataguyod ng kaalaman at kamalayan sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.

“He also frequently integrated history and heritage in his homilies. We look forward to working with Cardinal-designate David to preserve and promote historical knowledge and consciousness both in our country and abroad.” dagdag pa ng NHCP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 80,225 total views

 80,225 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 93,802 total views

 93,802 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 122,366 total views

 122,366 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 170,155 total views

 170,155 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 159,644 total views

 159,644 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top