Numero, hindi sapat na basehan sa paglago ng ekonomiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total views

Ito ang iginiit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ukol sa inihayag ng pamahalan na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon sa Obispo, hindi sapat ang mga numero na pagbabasehan sa malagong ekonomiya ng bansa.

“Hindi lang dapat yan tinitingnan sa numero na dumadating ngunit sa buhay ng mga tao, kung paano naapektuhan yung mga tao. Kaya hindi naman totoong lumalago ang ekonomiya kung susubukan natin ang kabuhayan ng mga tao.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Aktibo naman ang Simbahan sa pagtulong sa mga taong naapektuhan sa pagpapatupad ng proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan na maipaabot ang kanilang hinaing tulad ng mga nawawalan ng tirahan na walang malilipatan.

Binigyan pa ni Bishop Pabillo na dapat malaman ng mamamayan ang pinanggagalingan ng perang ipangtutustos sa Build Build Build Program ng pamahalaan.

Ayon sa Obispo, karapatan ng mamamayan na malaman kung ito ay uutangin na babayaran hanggang sa susunod na henerasyon.

Nangangamba si Bishop Pabillo na maaring pagmumulan ng korapsyon ng ilang indibidwal ang uutangin na pondo.

“Saan nanggagaling ang pera diyan, iyan ba ay uutangin natin at babayaran ng susunod na henerasyon?” mga katanungan ng Obispo.

Paliwanag ng Obispo, maraming usapin na lilinawin sa programang pang imprastraktura ng pamahalaan kung ito ba ay magbibigay kaunlaran sa bawat mamamayan sa bansa.

Batay sa tala, umabot sa 6.88 trilyong piso ang utang ng bansa noong Abril 2018 habang pinangangambahan itong mas lalaki pa dahil halos 8 – trilyong piso ang kabuuang halaga ng proyektong pang imprastraktura ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalan Francisco binigyang – diin nitong maituturing maunlad ang isang bansa kung kasabay nitong sumusulong ang buhay ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 57,102 total views

 57,102 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 131,716 total views

 131,716 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 211,795 total views

 211,795 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 254,934 total views

 254,934 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 252,629 total views

 252,629 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top