189 total views
Hinamon ni Nueva Segovia Auxiliary Bishop David William Antonio ang bawat mamamayan na ipakita ang pakikiisa sa pagpapanumbalik ng kagandahan ng nag-iisa nating “common home”.
Ayon sa Obispo, dahil sa mataas na pagtingin ng tao sa kanyang sarili, at sa kawalang pakialam sa kanyang paligid, hindi nito namalayan ang unti-unting pagkasira ng kalikasan.
Dahil dito, ipinaalala ni Bishop Antonio, ang kahalagahan ng Eukaristiya, na ito ang s’yang dapat manguna sa buhay ng bawat tao patungo sa pagbabalik loob at pagbabago.
“Challenge sa atin na we contribute also to making our world a better place to live in and also to recognize that the Eucharist challenges us to commit ourselves to taking care of our world. Na hindi lang yung magiging consumeristic tayo o walang pakialam or indifference.” Pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.
Dagdag pa ng Obispo, kinakailangang pahintulutan ng tao na mag hari ang Eukaristiya sa kanyang buhay, upang mamayani sa tao ang pagiging tapat na tagapangalaga ng kalikasan at ng kanyang kapwa.
“We allow the Eucharist to change us to make us more caring to also care for others, that we have a commitment to follow the way of Christ, who himself showed the way how to love and to care for others and the whole of creation.” Dagdag ni Bp. Antonio
Nanawagan din ang Obispo sa bawat isa na mahalin ang kapwa at laging magtulungan lalo na ngayong umiiral sa bansa ang matinding El Niño.
Batay sa ulat ng PAGASA 68 sa 81 mga probinsya sa buong bansa ang makararanas ng epekto ng El Niño ngayong Abril.
Sa pagsisiyasat naman ng Food and Agriculture Organization noong Disyembre ng nakaraang taon, maaaring umabot sa 12milyong Filipino na umaasa sa agrikultura ang lubhang maapektuhan ng tagtuyot.
Kaugnay dito, una nang inihayag ng Kanyang kabanalan Francisco sa Lausato Si, na ang ating relasyon sa kalikasan ay hindi maaaring ihiwalay sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos, dahil mawawalan ito ng saysay at maituturing na pagkukunwari.