Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,548 total reads

Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis nito ang gawain ng tao subalit maari rin itong maging banta sa lipunan kung walang pamantayan ang paggamit.

“Sa panahon natin ngayon, ang Artificial Intelligence ay hindi likas na masama subalit kapag walang pamantayan sa paggamit ito ay marami ding mga bagay na hindi maganda ang maaring maidudulot sa atin at sa lipunan,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na dapat mag-iingat ang mamamayan sa pag-aakalang laging tunay at wasto ang nilalaman ng mga impormasyong nakikita at nababasa online lalo’t hindi tiyak na mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng datos dahil ginagamit din ang A.I para sa pansariling kapakinabangan.

Babala ni Bishop Maralit sa mamamayan na dapat hindi umasa sa paggamit ng A.I dahil may mas kakayahang pa ring mag-isip ang tao.

“Tunay na mahalaga sa atin ang buong proseso sa paghahanap ng katotohanan at pagdedesisyon, kasama na rin ang mga ambag ng ating karanasan at ugnayan kaya hindi dapat tayo madala sa tuksong umasa na lamang sa A.I,” ani ng obispo.

Nakababahala rin ayon sa obispo ang kakayahang mamanipula ng A.I ang pagkakilanlan ng isang tao tulad ng pagkopya sa itsura at boses sa pamamagitan ng deep fake na maaring paniniwalaan ng sinumang makakapanuod online.

Bukod pa rito ang banta ng ‘job displacement’ dahil napapalitan ng A.I ang kakayahan ng tao sa paglikha o pagtatrabaho na ayon sa pag-aaral ng global financial institution Goldman Sachs maaring papalitan ng A.I ang halos 300-milyong full time jobs sa 2030.

“Paka-ingat tayo sa maaaring idulot na panganib nito sa mga ugnayang pantao na napakahalaga sa paglago at pagbubuo ng ating pagkatao kung saan ang emosyon at mga malalim na pakikipagugnayan sa kapwa ay kailangan at napakahalaga,” ayon pa kay Bishop Maralit.

Sa mensahe ng Papa Francisco sa 58th World Day of Social Communications na ipagdiwang sa May 12, binigyang diin nito na kailanman ay hindi napapalitan ng A.I ang karunungan ng tao.

Tema sa mensahe ng santo papa ngayong taon ang ‘Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart: Towards a Fully Human Communication.’

Batid ng simbahan ang mabubuting dulot ng pag-usbong ng teknolohiya tulad ng A.I subalit paalala nito sa mamamayan ang ibayong pag-iingat sa paggamit nito dahil maaring magdulot ito ng panganib at kapahamakan ng sinuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 102,519 total reads

 102,519 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 147,191 total reads

 147,191 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 169,395 total reads

 169,395 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 205,885 total reads

 205,885 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 420,473 total reads

 420,473 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top