Obispo ng Antipolo, magsasagawa ng ‘Funeral Mass’ para sa nasawi sa lumubog na bangka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,577 total views

Bibisitahin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang Talim Island kasunod ng insidente ng paglubog ng bangka sa bahagi ng Laguna de Bay sa Binangonan, Rizal.

Pangungunahan ni Bishop Santos ang funeral mass sa Santo Domingo Parish, Talim Island katuwang ang kura paroko na si Fr. Edwin Tirado para sa mga nasawi mula sa insidente.

“Once the Coast Guards allows the travel, we will set funeral mass, and I will go there. As of now, we pray and offer our Holy Masses for the eternal repose of those who perished and implore our God for His grace and strength to all the bereaving families,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ikinalungkot ng obispo ang nangyari sa mga biktima nang lumubog ang sinasakyang bangkang de motor na Princess Arya habang patungo sa Talim Island nitong Hulyo 27.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Antipolo Social Action Commission (SAC) sa pangunguna nina SAC director Fr. Bien Miguel, Jr. at Assistant SAC director Fr. Alex Miday upang agad na matulungan ang mga biktima at naiwang pamilya.

Kabilang naman sa mga biktima ng insidente ang limang parish workers, at isang guro ng Our Lady of Peace School sa Antipolo.

“The Diocese is very much proactive to help and assist the victims and their families. Our Diocese is at their service especially in this moment of great loss and bereavement,” ayon kay Bishop Santos.

Batay sa huling ulat ng Binangonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 27-katao na ang kumpirmadong nasawi, habang 40 naman ang nakaligtas.

Ipinag-utos naman ni Bishop Santos sa buong diyosesis ang mission appeal sa pamamagitan ng ‘special collection’ sa mga misa ngayong Linggo na ilalaan bilang tulong sa mga biktima ng insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,870 total views

 48,870 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,739 total views

 44,739 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,941 total views

 80,941 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,619 total views

 89,619 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,798 total views

 114,798 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top