Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, pinayuhan ang mga botante na gamiting batayan sa pagboto ang 7-Alay Kapwa Legacy Program

SHARE THE TRUTH

 4,659 total views

Umapela ang Caritas Philippines sa mga botante ng malalim na pagninilay sa mga ihahalal sa 2025 Midterm Election.

Ayon kay Caritas Philippines Kidapawan Bishop Jose Colin, ito ay dahil ang magiging resulta ng halalan ngayong Mayo ay magdidikta ng kinakabukasan ng mga Pilipino.

Umaasa ang Obispo na piliin ng mga Pilipino ang lider na mayroong pagmamahal sa bayan, katarungan at pinakamahihirap sa lipunan.

“Let us elect leaders — both national and local — who embody integrity, competence, and a genuine commitment to the common good. Our vote must be both moral and patriotic, grounded in truth, justice, and the dignity of every Filipino. It must also be an expression of our faith in our God of justice and equality with a genuine love for the poor,” ayon sa mensahe ni Bishop Bagaforo.

Ipinagdarasal ni Bishop Bagaforo na ihalal ng mga Pilipino ang mga pinunong tutugon sa malnutrisyon, pagkasira ng kalikasan, kahirapan, kawalan ng katarungan at pagkasira ng moralidad sa lipunan.

Iminungkahi naman ng Obispo sa mga botante na iboto ang mga kandidato na naninindigan sa soberenya ng Pilipinas.

Inaasahan din ni Bishop Pilipino na tuluyan ng wakasan ng mga botante ang pamamayagpag ng political dynasties, wakasan ang fake news, karahasan, takot at kawalang galang na umiiral sa bansa.

“We urge our fellow Filipinos: do not be deceived by dole-outs and ayuda in exchange for votes. Our dignity is not for sale. Do not believe the lies of those paid to spread disinformation, sow confusion, and destroy the names of deserving, competent, and honest candidates, chose leaders who are God-fearing, people-centered (makatao), and committed to building a just, inclusive, and compassionate society.Let this election be a moment of moral renewal. Let our votes reflect not just our hopes, but also the values of our faith, our conscience, and our love for the Philippines,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Ibinahagi naman ng Obispo sa mga botante na gamitin sa pagboto ang “seven Alay-Kapwa legacy program ng Caritas Philippines.

Ito ay Alay para sa Kabataan, Alay para sa Kabuhayan, Alay para sa Kalikasan, Alay para sa Kalusugan, Alay para sa Katarungan at Kapayapaan, Alay para sa Karunungan, at Alay para sa Katugunan sa Kalamidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 53,472 total views

 53,472 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 71,578 total views

 71,578 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 77,001 total views

 77,001 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 136,577 total views

 136,577 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 151,822 total views

 151,822 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

 5,494 total views

 5,494 total views Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top