Obispo, umaasang ilalahad ni PBBM sa ika-4 na SONA ang totoong kalagayan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,815 total reads

Umaasa ang opisyal ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang totoong kalagayan ng bansa sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.

Ayon kay Taytay Bishop Broderick Pabillo, ang chairperson ng tanggapan, nawa’y iulat ng pangulo sa mga Pilipino ang patutunguhan ng bansa sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.

Tinuran ng obispo ang pahayag ni PBBM matapos ang 2025 midterm elections kung saan inihayag nitong baguhin ang mga taong naglilingkod sa mga ahensya ng gobyerno makaraang lumabas na mayorya sa mga Pilipino ang hindi kontento sa kanyang pamumuno.

“Gusto po sana naming marinig at sabihin niya [PBBM] sa atin the real score, kumusta na ang kanyang pamumuno. Gusto nating malaman ano ba ang gusto niyang gawin sa last 3 years ng kanyang pamumuno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas. Kabilang sa tinukoy ni Bishop Pabillo na dapat manindigan ang punong ehekutibo sa laban kontra korapsyon, pagbibigay pansin sa proseso ng impeachment complaint laban kay Vice Presindet Sara Duterte gayundin ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ng obispo na ang mga nabanggit na usapin ay mahalagang proseso upang marinig ang magkabilang panig at mahahayag ang katotohanan sa lipunan.

Aniya bilang lider ay dapat isulong ang katotohanan at mahalagang ipaalam sa publiko ang tunay na kalagayan ng bansa.

“Gusto natin marinig ang programa niya para magkaroon ng mas magandang governance. Hinahanap ng mga tao ay transparency at sana hindi matakot ang mga politiko na maging transparent, hindi sana paglalaruan lang ang ating political system na ang transparency ay nakadepende sa mga political alliances,” giit ni Bishop Pabillo. Nais din ni Bishop Pabillo na magbigay ulat ang pangulo sa kalagayang agrikultural ng bansa lalo’t patuloy pa ring nararanasan ng mamamayan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Umaasa ang opisyal na ipagpatuloy ng administrasyon ang sinimulang 20-piso kada kilong bigas na malaking tulong sa mga mahihirap sa bansa at nawa’y bigyang linaw ang mga programa sa sektor ng agrikultura lalo’t patuloy itong naapektuhan ng climate change.

Apela din ni Bishop Pabillo na magbigay ulat si Pangulong Marcos Jr. sa kalagayan ng sektor ng edukasyon sa bansa kasabay ng panawagang ayusin na lamang ang kasalukuyang K to 12 programs.

“Gusto din natin malaman ang tungkol sa education sana hindi na natin pakialaman ang K to 12, ayusin nalang natin dahil malaki na ang pinuhunan ng bansa sa program,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Sa July 28 ang ikaapat na SONA ni PBBM sa Batasang Pambansa kung saan inaasahang tatalakayin ang mga polisiya sa ekonomiya, imprastraktura, agrikultura, digitalization at national security.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,943 total reads

 11,943 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,070 total reads

 12,070 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,912 total reads

 21,912 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,318 total reads

 78,318 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,819 total reads

 201,819 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,090 total reads

 286,090 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top