Online gambling, tinawag ng Obispo na panlipunang kanser

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,707 total reads

Itinuturing ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na isang sakit o isang moral at panlipunang kanser ang paglaganap ng online gambling sa bansa na bumibiktima at sinasamantala ang kahinaan ng mga mamamayan lalo’t higit ng mga mahihirap.

Ayon sa Obispo, hindi kailanman maituturing na isang libangan ang anumang uri ng sugal na higit pang nagpapalala at nagpapalaganap ng kahirapan at kawalang pag-asa sa lipunan.

Pagbabahagi ni Bishop Uy, hindi sapat ang anumang tangkang pagsasaayos ng mga regulasyon o pagkontrol sa industriya ng online gambling sa bansa sa halip ay mas kinakailangan itong tuluyan ng itigil o wakasan.

Ipinaliwanag ng Obispo na nararapat ipagbawal ng tuluyan ang online gambling na nagpaparupok sa pagbuo ng moralidad ng mamamayan.

“This is not simply a matter of entertainment or leisure. It is a moral and social cancer that preys on the poor, exploits the vulnerable, and worsens the cycle of poverty and hopelessness. While there are efforts to regulate this industry, regulation is not enough. In our context — where poverty is deep, education is uneven, and moral formation is fragile — online gambling does not just need to be controlled. It needs to be stopped.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Iginiit ng Obispo na mas kinakailangan ng bansa ng mga patakaran na nagbibigay proteksyon sa moral at espirituwal na kapakanan ng mga mamamayan sa halip na mga regulasyon na pumoprotekta sa mga mamumuhunan.

Ayon kay Bishop Uy, “Our country needs policies that protect the moral and spiritual welfare of our people, not just those that generate revenue.”

Binigyang diin din ni Bishop Uy na walang anumang halaga ng pera, dagdag na trabaho o kita mula sa buwis sa online gambling na makapagbibigay-katwiran sa negatibong epekto at pagkasira sa dignidad ng mamamayang Pilipino na naaapekto na rin maging sa mga kabataan at samahan ng pamilya sa bansa.

“Let it be clear: the financial benefits that come from online gambling — whether through tax revenues or job creation — can never justify the enormous human cost it inflicts. No amount of money can replace the loss of dignity, the pain of broken families, or the destruction of young lives.” Dagdag pa ni Bishop Uy.

Batay sa datos ng PAGCOR 38% mula sa P410-billion gross gaming revenue noong nakalipas na taong 2024 ay nagmula sa electronic gaming industry kung saan inaasahan ang higit pang paglaki nito ngayong taon, kung saan sa tala ng Statista 3.3% ng populasyon sa Pilipinas noong 2024 ang tumataya sa online gambling.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

Matatandaang una na ring kinundina ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas kung saan dahil sa teknolohiya ay mas madali itong ma-access ng sinuman.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,980 total reads

 11,980 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,107 total reads

 12,107 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,987 total reads

 21,987 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,393 total reads

 78,393 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,894 total reads

 201,894 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,164 total reads

 286,164 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top