Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 441 total views

Ang social media ba ay isang plataporma na nagagamit ng marami para sa kabutihan, o  ito ba ngayon ay nagiging instrumento na ng kasamaan?

Kapanalig, napakadali na para sa maraming mga tao ang maging mapang-alipusta, mapang-insulto, maging mapanakit sa social media. Makikita at mababasa natin ngayon na sa maraming social media posts, daan-daan o libo libo agad ang mga komento. At makikita mo na sa seksyon na ito, nag-aaway away na ang mga tao. Buhay na buhay sa maraming mga comment sections ang kasabihang “an eye for an eye, a tooth for a tooth.” Gantihan ang mga insulto at lait sa social media. Kung nakakamatay lamang ang mga salita, marami na ang nabiktima ng mga online comments.

Kapanalig, makapangyarihan ang mga salita. Hindi ka man magdurugo ng pisikal dahil sa mga bashing o insulto, dinudurog na minsan nito ang puso at pagkatao ng mga inaalipusta nito. Ang mga komento natin sa social media kapanalig, ay maituturing na online harassment na. Cyberbullying na ito, at napakalaki ng epekto sa mga taong nabibiktima nito.

Sa ating bansa kapanalig, marami na ang nagiging biktima ng online harassment. Ayon sa isang pag-aaral ng Plan International, 7 of 10 girls and young women sa ating bansa ang naging biktima na ng online harassment, lalo na sa social media. Ayon sa mga nasurvey ng pag-aaral na ito, madalas nangyayari ang harassment na ito, at ang walo sa sampu sa kanila ay nakatanggap pa ng banta ng sexual violence sa social media. Ang mga karaniwang nangha-harass sa kanila ay mga kakilala nila.

Kapanalig, ang internet at ang social media ay dapat safe space para sa lahat ng mamamayan, bata man o matanda, lalake man o babae. Ang mga platapormang ito ay ating mga kasangkapan sa pang-araw-araw na buhay. Dito na tayo nagkikita, dito na tayo nakikipag-ugnayan. Kung ang internet at social media ay patuloy na magiging mundo ng karahasan, ano ng matitira pang ligtas na lugar para sa ating lahat?

Kapanalig, sabi sa Pacem in Terris: “Any human society, if it is to be well-ordered and productive, must lay down as a foundation this principle, namely, that every human being is a person.” Ang online harassment kapanalig, ay expression of hate, of anger. Ang galit o poot na ito ay kadalasan hindi na kinikilala ang pagkatao ng mga biktima. Labag ito sa ating pagka-Katolikong Kristiyano. Labag ito sa ating dignidad bilang kawangis ng Diyos. Kung nais natin kapanalig ng mundong payapa, gamitin natin ang mga plataporma gaya ng Internet at social media bilang instrumento ng pagkilala sa dignidad at dangal ng ating pagkatao, hindi bilang armas ng cyberbullying o online harassment.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 30,846 total views

 30,846 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 44,906 total views

 44,906 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 63,478 total views

 63,478 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 88,113 total views

 88,113 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 30,848 total views

 30,848 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 44,908 total views

 44,908 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 63,480 total views

 63,480 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 88,115 total views

 88,115 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 72,549 total views

 72,549 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 96,247 total views

 96,247 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 104,959 total views

 104,959 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 108,590 total views

 108,590 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 111,146 total views

 111,146 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567