Opisyal na research journal ng CEAP, kinilala ng National Library of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,998 total reads

Kinilala ng National Library of the Philippines ang opisyal na research journal ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ‘Perspective’ matapos itong pagkalooban ng International Standard Serial Number o ISSN.

Ayon sa CEAP, nagpapatibay ang pagkilala sa kredibilidad at katotohanan ng kanilang research publication bilang isang totoong ‘scholarly platform’ na nagsusulong ng kalidad na pananaliksik at kahusayan sa larangan ng Catholic education.

Inihayag ng CEAP na mahalagang hakbang ang pagkakaloob ng ISSN sa patuloy nitong pagsusulong ng masiglang kultura ng pananaliksik sa mga institusyong Katoliko sa bansa.

“The Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) has reached another significant milestone in advancing research and scholarly engagement within the Catholic education community. The Association’s official research journal, Perspective, has been granted an International Standard Serial Number (ISSN)by the Bibliographic Services Division of the National Library of the Philippines. This formal recognition establishes Perspective as a registered serial publication and further strengthens its credibility as a scholarly platform, affirming CEAP’s commitment to promoting quality research and academic excellence in Catholic education” ayon sa mensaheng binahagi ng CEAP hinggil sa pagkilala

Bilang isang opisyal na kinikilalang academic journal, magsisilbing mapagkakatiwalaang lathalaan ang ‘Perspective’ para sa mga guro, mananaliksik, school administrators, at iba pang iskolar upang mailathala ang kanilang mga pag-aaral, makabagong pamamaraan, at mga natuklasang makatutulong sa pagpapahusay ng edukasyong Katoliko.

Inihayag din ng CEAP na layunin ng ‘Perspective’ na palawakin ang pagpapalitan ng kaalaman at pagsusulong ng mga pananaliksik na may matibay na batayan upang higit na mapaunlad ang kalidad ng pagtuturo at pamamahala sa mga Catholic educational institutions sa bansa.

“The acquisition of an ISSN marks an important step in CEAP’s continuing commitment to fostering a vibrant culture of research among Catholic educational institutions. As an officially recognized academic journal, Perspective provides educators, researchers, school leaders, and scholars with a trusted avenue to disseminate research findings, innovative practices, and evidence-based insights that contribute to the continuous improvement of Catholic education.

With the recognition of Perspective through its ISSN, CEAP reaffirms its commitment to cultivating a strong research culture, promoting academic excellence, and contributing meaningful scholarship in service of Catholic education and the wider educational community,” bahagi pa ng mensahe ng CEAP.

Binigyang-diin ng CEAP na muling pinagtitibay ng pagkilala sa ‘Perspective’ ang pangako nitong isulong ang isang matatag na kultura ng pananaliksik, akademikong kahusayan, at makabuluhang ambag sa larangan ng edukasyong Katoliko para sa kapakinabangan ng Simbahan at ng mas malawak na sektor ng edukasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 167,992 total reads

 167,992 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 198,037 total reads

 198,037 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 232,160 total reads

 232,160 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 288,566 total reads

 288,566 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top