Opisyal ng CBCP, saludo sa mga guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total reads

Ipinaalala ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang malaking gampanin ng mga guro at kawani ng paaralan sa paghuhubog sa kaalaman ng mga mag-aaral.

Kinilala ni Bishop Mangalinao, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang pagiging masigasig ng mga guro upang mabigyan ng mabuting edukasyon ang mga estudyante sa dalawang taon ng pandemya.

Tiwala ang Obispo na ang mga guro na itinuturing na ikalawang magulang ng mga mag-aaral ang magsilbing gabay upang matagpuan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon sa pagkakaroon ng maayos at magandang kinabukasan.

“Sila [mga guro] ay lubhang kinakailangan upang matutunan ng mga mag-aaral ang tama at malabanan ang kasinungalingan; maging bukas ang mga mag-aaral sa kasaysayan na huhubog sa ating kinabukasan at magpapatigil sa mga tsismis na pawang kasinungalingan,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Mangalinao na ang pagbubukas ng panibagong taong pampaaralan ay magsilbing simula at hakbang tungo sa pagkakaroon ng modernong edukasyong makakatulong sa kaalaman ng mga kabataan.

Ito’y sapagkat patuloy na isinasaayos ng pamahalaan ang pagkakaroon nang maayos na kalidad ng edukasyon sa kabila ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“Higit nawa silang maging bukas sa panibagong pagkakataon na ibinibigay upang magturo, maggabay, at magbigay pananaw sa mga kabataan,” dagdag ni Bishop Mangalinao.

Magugunitang sa kasagsagan ng pandemya, nakita ang kakayahan ng teknolohiya upang patuloy na maipahatid sa mga estudyante ang edukasyon sa mga tahanan sa halip na pisikal na pumapasok sa paaralan.

Nakapaloob sa panuntunan ng Department of Education (DepEd) na sa pagsisimula ng klase sa Agosto 22 ay ipapatupad muna ang hybrid learning systems ng online classes, face-to-face classes, at modular learning systems hanggang Nobyembre 2.

Inaasahan namang sa Nobyembre ay maipatutupad na ang 100-porsiyentong face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 2,223 total reads

 2,223 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 54,749 total reads

 54,749 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 91,540 total reads

 91,540 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 124,082 total reads

 124,082 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 174,956 total reads

 174,956 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 236,579 total reads

 236,579 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,455 total reads

 52,455 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top