Opisyal ng simbahan, hindi sang-ayon na gawing state witness ang mag-asawang Discaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,507 total views

Mariing nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na huwag baluktutin ang batas para sa kapakanan ng iilan sa halip ay palakasin ito at ganap na ipatupad upang mapanatiling protektado ang mamamayang Pilipino.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Rev. Fr. Jerome Secillano -executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, sa gitna ng umiigting na tensyon sa usapin ng pagiging state witness ng ilang mga akusado sa anomalya sa flood control projects sa bansa.

“Do not bend the law to please people. Rather, strengthen and enforce it to keep people protected.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Secillano.

Ayon sa Pari, bagamat para sa isang senador ay maariing hindi kabilang ang ‘restitution’ o pagsasauli ng pera ng bayan sa legal na kondisyon ng pagpapasya kung sino ang maaring maging state witness, ay hindi naman ito dapat na maging batayan upang basta na lamang isantabi ang pagkakasangkot ng mga akusado lalo na ang mag-asawang Discaya sa katiwaliang naganap sa kaban ng bayan.

Paliwang ni Fr. Secillano, sa kabila ng pangangailangan para sa testimonya ng mga Discaya ay hindi naman ito ganap at higit na mahalaga kumpara sa iba pang testimonya ng iba pang mga salarin na sangkot sa katiwalian sa flood control projects na mas direkta at may kaukulang mga material na ebidensya tulad ng mga dokumento, larawan, text messages at mga partikular na lugar.

“To another Senator, Restitution may not be a legal condition for deciding who should be a state witness, but the Discaya’s involvement in this corrupt scheme doesn’t point to them as the least guilty. Even if there may be a necessity for the testimony of the Discayas in this corruption issue, it may not be an ABSOLUTE NECESSITY since the testimonies of the other culprits involved have so far been direct and have been corroborated by material evidences like documents, photos, text messages and places.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Pagbabahagi ng Pari, bagamat mahalaga ang testimonya ng mga Discaya partikular na ang listahan ng iba pang sangkot sa katiwalian sa flood control projects sa pamahalaan ay maari naman itong masuri at makumpirma sa pamamagitan ng pagkumpra ng kanilang testimonya sa mga pampublikong dokumento at datos gaya ng General Appropriations Act (GAA) at pagpapatawag sa mga opisyal ng iba’t ibang ahensya gaya ng mga dating opisyal at kawani ng DPWH na sina Alcantara, Hernandez, Mendoza at iba pa.

“While we may agree that the Discayas testimony may offer an expansive list of their cohorts, this possibility can easily be checked by looking at the contractors’ projects and validating them with figures in the GAA and by summoning local DPWH officials where these projects are and investigate them much like what they’re doing to Alcantara, Hernandez, Mendoza and others.” Ayon pa kay Fr. Secillano.

Nagpapatuloy ang isinasagawang pagdinig ng Senado sa maanomalyang flood control projects sa bansa kung saan ilang mga opisyal na sa Kongreso at Senado ang una ng pinangalanan at isinangkot ng mga dating opisyal at kawani ng DPWH sa sistema ng katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 46,045 total views

 46,045 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 79,127 total views

 79,127 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 107,478 total views

 107,478 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 175,210 total views

 175,210 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 195,155 total views

 195,155 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top