Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Outpatient Therapeutic Care, inilunsad ng Philhealth

SHARE THE TRUTH

 9,433 total views

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporations (PhilHealth) na bukas ang kanilang panig upang makipagtulungan sa simbahan at ibat-ibang sektor upang matugunan ang suliranin ng malnutrisyon sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni PhilHealth spokesperson Dr.Israel Francis Pargas matapos ilunsad ang Outpatient Therapeutic Care upang labanan ang severe acute malnutrition para iligtas ang mga batang dumaranas ng malnutrisyon.

Ayon sa opisyal, mahalaga ang mga inisyatibo ng pakikipagtulungan sa mga church based organization, Non-Government Organization at iba pang ahensya upang mapabilis at maparami ang mga naabot na bata ng programa.

“We are very much willing to cooperate and coordinate and collaborate with not only with our accredited facilities but with all othe NGOs and government agencies in order to make sure that this particular package will be utilized by our malnourished children and by every Filipino Child who would actually need this,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dr.Pargas.

Ilalaan ng PhilHealth sa kada benepisyaryo ang 7,500-pesos na pondo para sa mga batang anim na buwang gulang pababa at 17,500 na pondo naman sa kada benepisyaryong anim na buwan hanggang animnapung buwang gulang.

Sa Datos ng Department of Health noong 2023, umaabot 29.5% sa populasyon ng mga batang Pilipinong nasa edad lima pababa ang biktima ng stunting o hindi normal na paglaki nang dahil sa malnutrisyon habang sinasabi ng United Nations Children’s Fund, na 95 bata sa Pilipinas ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon.

Sa bahagi ng simbahan, nagpapatuloy ang mga programa ng Caritas Manila na Integrated Nutrition and Feeding Program na bukod sa pagpapakain ay nagbibigay din ng mga bitamina at sapat na nutrisyon na kinakailangan ng mga bata sa kanilang paglaki.

Noong 2022 ay higit na sa 75-libong bata ang naisalba mula sa malnutrisyon sa loob lamang ng limang taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cha-cha talaga?

 2,188 total views

 2,188 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 18,281 total views

 18,281 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 36,929 total views

 36,929 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

POOR GETTING POORER

 88,582 total views

 88,582 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

LUCKY 15

 106,795 total views

 106,795 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

Lt.Gen. Nartatez, bagong PNP Chief

 10,216 total views

 10,216 total views Hinirang si Lt. Gen Jose Melencio Nartatez, bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP). Si Nartatez ang hahalili kay dating Police General

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top