Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

SHARE THE TRUTH

 15,438 total views

“We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections.

Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan.

“Vote buying is the root of the corruption that remains the biggest barrier to our national development; corruption will remain as long as the practice of vote-buying continues,” pahayag ni Bishop Uy.

Binigyang diin ni Bishop Uy na kung hahayaan ang mga kandidatong mamili ng boto sa darating na halalan ay malaki ang posibilidad na gagawa ito ng paraang makabawi ng kanilang gastos sa pamamagitan ng korapsyon mula sa pondo ng bayan.

Iginiit ng opisyal na ang pagbibenta ng boto tuwing halalan ay pagsasayang ng panahong makapili ng taong nakahandang maglingkod sa interes ng nakararami at magsusulong ng pangkalahatang pag-unlad ng lipunan.

“If vote buying continues many good and capable people will no longer run for office, they wouldn’t have the interest to run during elections; we are really depriving ourselves of good or great leaders because we are not giving them the chance to win,” giit ni Bishop Uy.

Dahil dito hinimok ni Bishop Uy ang mahigit 60 milyong Pilipinong botante na aktibong makilahok sa halalan at bumoto ng wastong kandidatong tapat ang hangaring paglingkuran ang bayan.

Gayunpaman bagamat itinakda ng Commission on Elections sa Pebrero ng susunod na taon ang campaign period ilang kandidato na ang umiikot sa iba’t ibang lugar sa bansa kaya’t pinaalalalahanan itong sundin ang wastong panahon ng pangangampanya alisunod sa itinakda ng komisyon.

Noong Agosto inilunsad ng multisectoral group kabilang na ang simbahan ang nonpartisan movement na ANIM: Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan na layong labanan ang korapsyon, political dynasty at isulong ang tunay na reporma, good governance, social justice, economic development, at national security.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 185,209 total views

 185,209 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 202,177 total views

 202,177 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 218,005 total views

 218,005 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 308,731 total views

 308,731 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 326,897 total views

 326,897 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top