Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbuwag sa Provincial at Regional Tripartite and Productivity Board, iminungkahi ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 6,347 total views

Nanindigan si Fr.Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern na kinakailangan ng manggagawa na magkaroon ng iisang national minimum wage.

Tinukoy ng Pari ang patuloy na nararanasang mataas na inflation rate ng mga manggagawang Pilipino na nagpapataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa buong Pilipinas.

Nangangamba si Fr.Adoviso na dahil sa hindi magkakapantay na suweldo ng mga manggagawa na 361-pesos hanggang 645-pesos sa National Capital Region at mas mababa sa ibang panig ng bansa ay hindi lahat ng manggagawa ay nasusuportahan ang pangangailangan ng pamilya at nakakasabay sa mataas na halaga ng mga bilihin.

“Dito sa atin sa Pilipinas nananawagan tayo ng equal pay sa pagitan ng probinsya at ng Maynila kasi pagdating sa probinsya, iba na ang minimum wage, dito sa Maynila iba narin, pero ang palaging batayang tanong ng mga manggagawa bakit magkapareho ang presyo ng bigas sa Maynila kumpara sa probinsya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Adoviso.

Hinihimok ng Pari ang mamamayan at opisyal ng pamahalaan na dinggin ang apela ng mga manggagawa sa karapat-dapat na wage hike at across the board national wage hike sa bansa.

Hinikayat ni Fr.Adoviso ang administrasyon ng pangulong Ferdinand Marcos Jr., na buwagin na ang mga provincial at regional tripartite wage and productivity board para magkaroon ng iisang minimum rate nationwide.

Naniniwala na nararapat na maging pantay ang oportunidad ng mga manggagawa na makapamuhay ng mayroong dignidad at hindi nangangamba sa pagkukunan ng panggastos araw-araw.

Isinulong din ng Pari ang equal pay para sa mga babae at lalaking manggagawa sa bansa at pantay na oportunidad sa mga kababaihan.

“Yan yung aming nananais, na buwagin yung provincial rate, pantay-pantay ng suweldo sa Manila at sa Probinsya, siyempre ng suweldo ng kababaihan ay pantay din sa mga kalalakihan na kung saan hindi pinapantay ang suweldo sa kasarian kungdi sa kasanayan, sa kaalaman at siyempre bigyan ng maraming opportunity ang mga kababaihan na sila din naman ay tumitingkad na yaman ng ating bansa,” bahagi pa ng panayam kay Fr.Adoviso.

Ito ang mensahe ni Fr.Adoviso sa pakikiisa sa paggunita ng ‘International Day of Equal Pay’ ngayong ika-18 ng Setyembre 2024.

Ayon sa mga pag-aaral ng Think Tank Group na Ibon Foundation, umaabot na ngayon sa hanggang 1,200-pesos ang daily family living wage upang masuportahan ng isang manggagawa ang sarili at limang miyembro ng pamilya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 9,651 total views

 9,651 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 21,134 total views

 21,134 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 36,823 total views

 36,823 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 37,578 total views

 37,578 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 47,223 total views

 47,223 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top