Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatalaga sa ika-31 national shrine sa Pilipinas, pinangunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,658 total views

Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na isabuhay ng mga mananampalataya ang mga katangiang ipinamalas ng Mahal na Inang Maria bilang daluyan ng habag, awa, pagmamahal at biyaya ng Panginoon para sa bawat isa.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa ginanap na Solemn declaration ng pagtatalaga sa Pambansang Dambana ng Mahal Ina ng Awa ng Novaliches noong ika-15 ng Setyembre, 2024.

Sinabi ni Cardinal Advincula na tulad ng Mahal na Inang Maria na isinasabuhay ang mga salita ng Diyos ay gawing huwaran din nawa ng mga mananampalatayang dadalaw sa national shrine ang mga gawi ng Mahal na Ina ng Awa bilang gabay tungo sa landas ni Hesus.

Umaasa si Cardinal Advincula na maging daan ang Pambansang Dambana ng Mahal Ina ng Awa upang maging buhay na patotoo sa kapangyarihan ng krus at sa pagpapaibayo ng Corporal Works of Mercy kabilang na ang pagpapakainin sa mga nagugutom, pagpapainum sa mga nauuhaw, pagdadamit sa mga walang kasuotan, pagtanggap sa mga estranghero, pagpapagaling sa mga maysakit, pagdalaw sa mga nakakulong at paglibing sa mga patay.
“Let this National Shrine of Ina ng Awa be a living testament to the power of the cross. Intensify your corporal works of mercy to feed the hungry, give drink to the thirst, clothe the naked, welcome the stranger, heal the sick, visit the imprisoned and bury the dead.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ayon sa Cardinal, ang pagkatalaga sa National Shrine and Parish of Our Lady of Mercy of Novaliches ay nakabatay sa hatid na kabanalan ng dambana para sa bawat mananampalataya at hindi nakabatay sa taglay na pisikal na anyo ng gusali.

“Sa mga nagugutom at nauuhaw, sa mga may sakit at naliligaw, si Maria Ina ng Awa, ang kanilang nanay na natatakbuhan. Kapag sinabi mong Novaliches Bayan, lagi mo itong madadaanan, hindi mo ito maiiwasan. Parang isang inang laging tinatawag ang kanyang anak. Parang isang inang hindi papayag na ikaw ay makikiraan lamang-nais niyang ikaw ay pumasok sa kanyang tahanan.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang pagtalaga sa ika – 31 national shrine ng Pilipinas na inaprubahan ng mga Obispo sa ginanap na 128th plenary assemnbly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Cagayan De Oro City noong ika-6 ng Hulyo, 2024.

Bukod sa mga mananampalataya at lingkod ng Simbahan ng Diocese of Novaliches, saksi rin sa makasaysayang Deklarasyon ng pagtatalaga sa Pambansang Dambana ng Mahal Ina ng Awa ng Novaliches sina Novaliches Bishop Roberto Gaa, mga dating Obispo ng diyosesis na sina Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., gayundin si CBCP Vice President Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na siya ring nagsisilbing Apostolic Administrator ng Diyosesis ng San Pablo at iba ang bisitang pari ng Diyosesis ng Novaliches.

Ang simbahan ng Our Lady of Mercy sa Novaliches ay itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1856 kung saan ang patrona at imahe ay dinala ni Fr. Andres Martin, OSA ang kauna-unahang pari ng Novaliches.
Taong 2008 nang ideklara ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias ang simbahan bilang pandiyosesanong dambana habang noong 2021 ay ginawaran ito ng special bond of spiritual affinity sa Papal Basilica of St. Mary Major in Rome gayundin ang canonical coronation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 50,786 total views

 50,786 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 96,509 total views

 96,509 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 98,719 total views

 98,719 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 170,256 total views

 170,256 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 179,034 total views

 179,034 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top