Pagiging church of the poor ng Simbahan, legacy ni Bishop Labayen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total views

Malaki ang naging ambag ni Prelatura ng Infanta Bishop Emeritus Julio Xavier Labayen, OCD sa pagpapatatag ng adbokasiya ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagtulong sa mga mamahihirap.

Ito ang ibinahagi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa pagpanaw ng 90-taong gulang na Obispo ng Infanta, Quezon.

Inihayag ni Bishop Pabillo na ang pagiging “Church of the Poor” ng Simbahan sa Pilipinas ang naging pangunahing adbokasiyang isinulong ni Bishop Labayen magmula pa noong 1970’s na tuluyang tinanggap ng buong Simbahan noong PCP2.

Bukod dito, si Bishop Labayen rin ang naging utak at nagpasimula ng NASSA o National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at nagbuklod sa dating hiwa-hiwalay na ministeryo ng Simbahang Katolika.

“Nalulungkot po tayo sa pagpanaw ni Bishop Labayen kasi siya po ay may malaking papel na ginawa sa Simbahan natin sa Pilipinas. Ang malaking ambag niya po siya po yung talagang nagtulak sa maraming taon yung pagiging Church of the Poor at yan po ay tinanggap naman ng buong Simbahan noong PCP2 pero simula pa 1970s siya po ang nagtulak nun. At dahil po dyan sa kanyang adbokasiyang yan siya rin po yung naging Head ng NASSA ng Social Action at dyan po nagsimula yung NASSA natin ngayon na sa buong bansa noon kasi hiwahiwalay ngayon sama sama na sila. Kaya nga ipagdasal natin na sana ang kanyang trabaho ay maipagpatuloy…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas

Tiwala si Bishop Pabillo na maipagpapatuloy ng mga susunod pang henerasyon ang sinimulang adbokasiya ni Bishop Labayen na mahigit 40 taon nitong paglilingkod sa Prelatura ng Infanta, Quezon bago nagretiro noong July 24, 2001.

Isinilang sa Talisay, Negros Occidental noong Hulyo 23, 1926 at binawian ito ng buhay noong Miyerkules ganap na alas-6:52 ng umaga sa edad na 90-taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 1,724 total views

 1,724 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 30,075 total views

 30,075 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 97,805 total views

 97,805 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 120,956 total views

 120,956 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 190,966 total views

 190,966 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 11,770 total views

 11,770 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top