Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa at pagkilos, hamon ng Obispo sa iba’t-ibang labor groups

SHARE THE TRUTH

 4,352 total views

Hinikayat ni Caritas Philippines President at Church People–Workers Solidarity National Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na magtulungan at magkaisa upang malutas ang suliranin ng sektor ng paggawa sa bansa.

Sa isinagawang Labor Consultative Assembly, inihayag ni Bishop Aliminaza ang pakikiisa ng simbahan sa sektor ng paggawa, pagsusulong ng kabutihan ng kalikasan, kalusugan, makamit ang makatarungang pasahod at nararapat na benepisyo sa mga manggagawa.

Iginiit ng Obispo na mahalagang mapakinggan ang karanasan ng mga manggagawa upang ang solusyon ay hindi humantong sa maling tugon.

Binigyang-diin ng pangulo ng Caritas Philippines na ang pagkilala sa tunay na kalagayan ng sektor ng paggawa ay unang hakbang tungo sa makatarungan at epektibong reporma.

“Dapat aminin natin kung saan tayo nasaktan, yung mga wounds na sinasabi ko kanina, kasi ang medicine, it depends upon the diagnosis, pag mali ang diagnosis, mali din yung medicine, diba? It can be fatal. So dapat ang pag-unawa, ano ba ang mali? Ano ba ang mga sakit na ninaranas natin? Kasi kung mapakinggan yun at ma-validate, malaking matulong kasi after, parang bang finally narinig kami, na-recognize, na-validate yung aming situation.,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas

Tinukoy ng Obispo ang pagkakaisa ng iba’t-ibang labor group para makabuo ng malinaw na legislative agenda at pagtugon sa mga polisiya at batas na pumipigil sa patas na pamamahagi ng yaman at pakikipagdayalogo sa mga opisyal ng pamahalaan, may kapangyarihan at mga may-ari ng kumpanya para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Inihayag ng Obispo na may mahalagang papel ang Simbahan bilang saksi at katuwang ng mga manggagawa sa pagsusulong ng kanilang paninindigan at karapatan.

“Tagumpay din dapat ng lahat, yung sabi nga namin, how can one be happy with the others? At saka yung others na yun is majority, mas marami, masaya ba tayo na ilan lang ang nakikinabang? Dapat hindi tayo makatulog noon, kukonsensyahin tayo, visionable din yung ating worship, ang ating pagsisimba sa Panginoon, baka subatan tayo ng Panginoon, bakit? Bakit nilayaan mo mangyari yun? Wala kang ginawa o pumipikit ka lang, diba? So yun ang importante.,” paglilinaw ng Obispo sa Radyo Veritas

Ang Labor Consultative Assembly ay pinangasiwaan ni Bishop Alminaza katuwang ang – Conference of Major Superiors in the Philippines, Center for Energy, Ecology and Development, Kilusang Mayo Uno, Buklurang ng Manggagawang Pilipino, Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines Partylist at iba pang labor groups.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wala ba talagang due process?

 145,858 total views

 145,858 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 190,398 total views

 190,398 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 221,791 total views

 221,791 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 237,506 total views

 237,506 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 259,282 total views

 259,282 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Contractualization, pinabubuwag ng EILER

 23,753 total views

 23,753 total views Isinusulong ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang pamamayani ng katarungan para sa mga manggagawang dumaranas ng paniniil mula

Read More »
Scroll to Top