Pagkakaisa at pagkilos, hamon ng Obispo sa iba’t-ibang labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,927 total reads

Hinikayat ni Caritas Philippines President at Church People–Workers Solidarity National Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na magtulungan at magkaisa upang malutas ang suliranin ng sektor ng paggawa sa bansa.

Sa isinagawang Labor Consultative Assembly, inihayag ni Bishop Aliminaza ang pakikiisa ng simbahan sa sektor ng paggawa, pagsusulong ng kabutihan ng kalikasan, kalusugan, makamit ang makatarungang pasahod at nararapat na benepisyo sa mga manggagawa.

Iginiit ng Obispo na mahalagang mapakinggan ang karanasan ng mga manggagawa upang ang solusyon ay hindi humantong sa maling tugon.

Binigyang-diin ng pangulo ng Caritas Philippines na ang pagkilala sa tunay na kalagayan ng sektor ng paggawa ay unang hakbang tungo sa makatarungan at epektibong reporma.

“Dapat aminin natin kung saan tayo nasaktan, yung mga wounds na sinasabi ko kanina, kasi ang medicine, it depends upon the diagnosis, pag mali ang diagnosis, mali din yung medicine, diba? It can be fatal. So dapat ang pag-unawa, ano ba ang mali? Ano ba ang mga sakit na ninaranas natin? Kasi kung mapakinggan yun at ma-validate, malaking matulong kasi after, parang bang finally narinig kami, na-recognize, na-validate yung aming situation.,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas

Tinukoy ng Obispo ang pagkakaisa ng iba’t-ibang labor group para makabuo ng malinaw na legislative agenda at pagtugon sa mga polisiya at batas na pumipigil sa patas na pamamahagi ng yaman at pakikipagdayalogo sa mga opisyal ng pamahalaan, may kapangyarihan at mga may-ari ng kumpanya para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Inihayag ng Obispo na may mahalagang papel ang Simbahan bilang saksi at katuwang ng mga manggagawa sa pagsusulong ng kanilang paninindigan at karapatan.

“Tagumpay din dapat ng lahat, yung sabi nga namin, how can one be happy with the others? At saka yung others na yun is majority, mas marami, masaya ba tayo na ilan lang ang nakikinabang? Dapat hindi tayo makatulog noon, kukonsensyahin tayo, visionable din yung ating worship, ang ating pagsisimba sa Panginoon, baka subatan tayo ng Panginoon, bakit? Bakit nilayaan mo mangyari yun? Wala kang ginawa o pumipikit ka lang, diba? So yun ang importante.,” paglilinaw ng Obispo sa Radyo Veritas

Ang Labor Consultative Assembly ay pinangasiwaan ni Bishop Alminaza katuwang ang – Conference of Major Superiors in the Philippines, Center for Energy, Ecology and Development, Kilusang Mayo Uno, Buklurang ng Manggagawang Pilipino, Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines Partylist at iba pang labor groups.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 125,563 total reads

 125,563 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 158,892 total reads

 158,892 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 191,036 total reads

 191,036 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 257,099 total reads

 257,099 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 268,234 total reads

 268,234 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top