Pagbabasbas ng mga replica, sumasagisag ng sagradong debosyon ng mga Pilipino sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 68,131 total views

Nagpapasalamat si Fr. Robert Arellano, Parochial Vicar ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, sa mga debotong dumalo sa taunang pagbababasbas ng mga Standarte at replika ng Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay Fr. Arellano, ang Replica Blessing ay higit pa sa isang tradisyonal na gawain.

“Ang ginagawa nating Replica Blessing ay isang tanda ng pagbababasbas at pagbibindisyon sa mga imahen o replika ng ating mahal na Poong Jesus Nazareno, na kung saan ang mga imaheng ito ay nagiging sagrado. Ito ang ginagawa natin bilang imahen, bilang tanda ng ating pananampalataya na minsan sa kasaysayan natin, ang Diyos ay naging bahagi natin, nakiisa sa atin, at naging tao liban sa kasalanan. Isa itong pagpapatunay na ang Diyos ay talagang mabuti at nagpakumbaba nang higit sa lahat para sa ating kaligtasan,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Arellano.

Ayon sa pari, ito ay sagradong seremonya na nagbibigay-biyaya sa mga imahen at replika, na nagsisilbing paalala ng pananampalataya at debosyon ng mga Pilipino sa Poong Hesus Nazareno.

Ipinaliwanag ng pari na ang mga imaheng ito ay sumasagisag sa pagkakatawang-tao ng Diyos, na nakiisa sa sangkatauhan at nagpakita ng kabutihan, kababaang-loob, at pag-ibig para sa kaligtasan ng lahat.

Bilang bahagi ng paghahanda sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa January 9, tiniyak ni Fr. Arellano na ang bawat pagbababasbas ay simbolo ng pananampalataya ng deboto at ng kanilang pamilya.

May higit sa isang libong istandarte at replika ang nabasbasan sa araw ng pagdiriwang, bilang handog at paggunita sa taunang kapistahan ng Poong Hesus Nazareno na gaganapin sa January 9.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 17,759 total views

 17,759 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 46,110 total views

 46,110 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 113,840 total views

 113,840 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 136,991 total views

 136,991 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 205,892 total views

 205,892 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,519 total views

 7,519 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top