Gawing waste free ang Nazareno 2026, panawagan ng ECOWASTE coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,183 total views

Muling nanawagan ang EcoWaste Coalition sa Simbahang Katolika at sa milyun-milyong deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na gawing malinis at basura-free ang Nazareno 2026 sa January 9.

Ayon kay Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng grupo, kaakibat ng taos-pusong debosyon sa Poong Jesus Nazareno ang pangangalaga sa kalikasan, bilang mga katiwala ng nilikha ng Diyos, kaya’t iginiit nito na dapat isabuhay ng mga deboto ang panawagang “kalakip ng debosyon ang malinis na Traslacion.”

“Let our people’s profound faith in Nuestro Padre Jesus Nazareno inspire us to be better stewards of our planet, preventing and reducing waste and not littering, a punishable environmental offense, at all times but most especially during the Traslacion, a faith-centered feast,” ayon kay Tolentino.

Batay sa tala ng Manila Department of Public Services (DPS), umabot sa 468 metriko toneladang basura ang nakolekta mula January 6 hanggang 10, 2024, habang 382 metric tons naman noong January 8 hanggang 10, 2025—patunay ng patuloy na suliranin sa basura tuwing Traslacion.

Sinabi ng EcoWaste na iniiwan ng anim na kilometrong traslacion mula Quirino Grandstand sa Luneta hanggang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church ang bakas ng tone-toneladang basura, na lalong nagpapahirap sa mga kawani ng DPS, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa obserbasyon naman ng Basura Patrollers ng grupo, kabilang sa madalas na nakakalat sa lansangan ang mga single-use plastic bottles, food containers, bamboo skewers o sticks, tira-tirang pagkain, upos ng sigarilyo, at mga disposable vape—na pawang banta sa kalusugan at kapaligiran.

“The unrestrained generation of garbage and its mixed disposal in landfills releases greenhouse gases, contributing to climate change that adversely impacts everyone, impoverished and marginalized communities,” saad ni Tolentino.

Hinimok din ng EcoWaste Coalition ang mga kinauukulan na magtalaga ng environmental police upang paalalahanan ang mga deboto sa wastong pagtatapon ng basura, alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Pinaalalahanan naman ang mga deboto na sundin ang no littering, no smoking at no vaping policy sa Rizal Park, umiwas sa single-use plastic, iuwi ang sariling basura, at igalang ang mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng wastong asal at kalinisan.

Nanawagan din ang EcoWaste Coalition sa mga namamahagi ng tubig at pagkain na iwasan ang paggamit ng plastik at styrofoam, at sa mga barangay sa paligid ng Quiapo Church na huwag gumamit ng “plastik labo” bilang banderitas.

“We thank and support the Quiapo Church, the Manila City Government, the Hijos del Nazareno, the Green Brigade and other agencies and groups for taking all the necessary steps to promote a meaningful, safe and litter-free observance of Traslacion 2026,” saad ng EcoWaste Coalition.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 24,107 total views

 24,107 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 57,189 total views

 57,189 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 85,540 total views

 85,540 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 153,271 total views

 153,271 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 174,684 total views

 174,684 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top