Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa sa pananalangin para mahinto ang Covid-19 pandemic, dasal ng Arsobispo

SHARE THE TRUTH

 509 total views

April 26, 2020-11:25am

Umaasa ang arsobispo ng Cagayan De Oro na magkaisa ang mamamayan sa pananalangin sa Diyos para sa kaayusan ng daigdig sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon, paniniwala at pananaw sa buhay.

Sa video message ni Archbishop Antonio Ledesma, SJ, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Mutual Relations sa pagdiriwang ng Ramadan ng mga Muslim, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbubuklod ng bawat isa tungo sa Panginoon.

“Busa mga igsuon hinaot unta nga kining panahon sa Ramadan mahimong balaang panahon alang kanatong tanan sa pagtinabangay ug sa pag-ampo sa usa ka Diyos alang sa atong kaayohan [Sana mga kapatid itong panahon ng Ramadan ay magiging banal para sa ating lahat; sa pagtutulungan at pagdarasal sa iisang Diyos para sa ating kapakinabangan],” bahagi ng mensahe ni Archbishop Ledesma.

Nagpaabot ng pagbati ang arsobispo sa pagsimula ng Ramadan, ang panahon ng pag-aayuno, panalangin at pagninilay ng mga Muslim na magtatapos sa ika – 23 ng Mayo.

Ipinaliwanag ni Archbishop Ledesma na tulad ng mga kristiyano sa panahon ng kuwaresma ito ang pagkakataong paigtingin ng bawat isa ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon upang hingin ang Kanyang gabay sa bawat pagsubok at krisis na kinakaharap ng sangkatauhan.

Binigyang diin ng arsobispo na nagkakaisa ang mga Kristiyano at Muslim sa pagsasagawa ng mga inter faith forum for peace, harmony and solidarity bilang hakbang sa pagtatamo ng kaayusan ng komunidad.

“Kita man magpakita ug paghiusa sa mga Muslim ug Kristiyano labi ang kalinaw dinhi sa Mindanao [Tayo ay nakikiisa sa mga Muslim at Kristiyano lalo na sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao],” dagdag ng arsobispo.

Ngayong taon paksa ng simbahan sa paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo ang ‘Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People’ bilang pagkilala sa bawat isa na magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya.

Samantala, tiniyak naman ng Imam Council of the Philippines na tatalima pa rin ang mga Muslim sa ipinatupad na enhanced community quarantine kung saan nanatiling sarado ang mga mosque sa bansa sa halip ay hinimok ang mga kasapi na isagawa ang mga panalangin sa bawat tahanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 6,383 total views

 6,383 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 80,684 total views

 80,684 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 136,441 total views

 136,441 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 97,425 total views

 97,425 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 98,535 total views

 98,535 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 3,228 total views

 3,228 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567