Pagkalinga sa mga dukha, pangunahing misyon ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,897 total reads

Ipinamalas ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang kanyang dedikasyon sa pagpapatuloy ng adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan, paglingap sa mahihirap, at pagpapastol sa mananampalataya.

Bago ang kanyang pormal na pag-upo bilang arsobispo ng Cebu, bumisita siya sa Abtanan sa Kalooy, isang kanlungan para sa mga mahihirap at mga street dwellers.

Ayon kay Archbishop Uy, ang pangunahing misyon niya ang pagkalinga sa mga dukha sa lipunan upang maipadama ang diwa ng pag-asa at pag-ibig ng Diyos sa kanilang hanay.

“One of the very first places I wanted to visit as your new Archbishop is the Abtanan sa Kalooy… My mission is first and foremost to take care of the little ones—the street children, the abandoned, and the forgotten. It is here that the Gospel becomes flesh, and it is here that we see the face of Jesus in our poorest brothers and sisters,” pahayag ni Archbishop Uy.

Sinalubong si Archbishop Uy ng 300 indibidwal na kabilang sa mga kinakalinga ng Abtanan sa Kalooy, na karamihan ay mga bata.

Pinangunahan ng bagong arsobispo ang pamamahagi ng pagkain katuwang ang ilang mga pari ng arkidiyosesis kasama ang priest-in-charge ng institusyon na si Fr. Patricio Ornopia.

“This food you receive today is more than just a meal. It is a sign that you are loved by God and remembered by His Church. Do not lose hope,” dagdag ni Archbishop Uy.

Pinuri rin ng pastol ang mga benefactors na patuloy na nagkakaloob ng tulong sa institusyon at iginiit na ang kanilang pagtulong ay hindi lamang kawanggawa kundi pagsasabuhay sa ebanghelyo ng Panginoon.

Sa hiwalay na panayam kay Fr. Ornopia, sinabi nitong nagbigay ng inspirasyon ang pagbisita ni Archbishop Uy, lalo na sa sektor ng mga dukha, gayundin sa kanilang mga pari na mas paigtingin ang misyon sa simbahan.

“Sa kanyang pagbisita, nagbigay siya ng halimbawa; we are given courage to push forward in the ministry to make the gospel alive in every face of society. It’s imperative for me and for us priests to do the same,” pahayag ni Fr. Ornopia sa Radyo Veritas.

Ang Abtanan sa Kalooy ay binuksan noong 2019 sa loob ng St. Joseph the Patriarch Parish compound sa Mabolo, Cebu City. Dito, may mga lugar kung saan maaaring makaligo, makakain, at makapaglaro ang mga street dwellers, gayundin ang pagkakaroon ng mga serbisyong medikal, dental, at mga counseling services.

Ang institusyon ay bunga ng ginanap na International Eucharistic Congress noong 2016 sa Cebu City, sa tulong ng Italian Bishops’ Conference.

Bago ang pagbisita sa Abtanan sa Kalooy, nagtanim ng tatlong puno si Archbishop Uy sa Archbishops’ Residence bilang simbolo ng kanyang adbokasiya para sa kalikasan.

Gayundin, nagbigay galang siya sa Batang Hesus sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu, kung saan malugod siyang sinalubong ng mga deboto at komunidad ng Order of St. Augustine – Province of Sto. Niño de Cebu.

Pinangasiwaan naman ng City Government ang pagpresenta kay Archbishop Uy sa makasaysayang Magellan’s Cross bago tumungo sa city hall para sa Civic Reception ng Cebu City LGU.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,724 total reads

 16,724 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,589 total reads

 54,589 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,799 total reads

 72,799 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,128 total reads

 157,128 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,718 total reads

 193,718 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,184 total reads

 2,184 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top