Dating PNP chief Gen.Azurin, itinalagang special adviser at investigator ng ICI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,301 total reads

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong Special Adviser at Investigator ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Papalitan ni Azurin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na una nang nagbitiw sa puwesto matapos pangunahan ang pagbabantay sa integridad ng komisyon.

Ayon sa Palasyo, sisimulan ni Azurin ang kanyang tungkulin matapos maisaayos ang ilang personal at administratibong usapin. Pinasalamatan naman ng Pangulo ang serbisyo ni Magalong na naging mahalaga sa laban kontra korupsiyon sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Naniniwala ang administrasyon na ang karanasan at pamumuno ni Azurin ay magpapatibay sa mandato ng ICI na tiyakin ang accountability at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.

“The administration is confident that General Azurin’s experience and leadership will further strengthen the Commission’s mandate to uphold accountability and transparency in the use of public funds,” ayon sa pahayag ng palasyo.

Matatandaang binuo ni Pangulong Marcos ang ICI upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga anomalya sa mga flood control projects.

Si Azurin ay tubong Paniqui, Tarlac at lumaki sa La Trinidad, Benguet. Siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy ‘Makatao’ class of 1989.

Bago naging pinuno ng PNP noong 2022, si Azurin ay nagsilbing commander ng Northern Luzon Police Area, PNP Northern Luzon, at Ilocos region police chief.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,747 total reads

 16,747 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,610 total reads

 54,610 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,820 total reads

 72,820 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,149 total reads

 157,149 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,738 total reads

 193,738 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top