Paglaganap ng child labor, pipigilan ng DOLE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,258 total reads

Tiniyak ng Department of Labor and Employment ang pagpigil sa child labor o sapilitang pagtatrabaho ng mga bata.

Ayon kay DOLE Undersecretary for Workers’ Welfare and Protection Cluster – Benjo Santos Benavidez, ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa National Council Against Child Labor (NCACL), local government units at iba pang ahensya na tumutugon sa suliranin ng child labor.

“Naniniwala ang DOLE na ang mga bata ay nasa paaralan at wala sa lansangan at mga pagawaan, dapat po sila ay malaya, hindi mga manggagawa,” ayon sa mensaheng ipinadala ng DOLE sa Radio Veritas.

Ang mensahe rin ay kaugnay sa paggunita ng ika-apat na anibersaryo ng pagkakatatag sa NACL kung saan idinaos sa Quezon City Hall Risen Garden ang paggagawad ng tulong sa may 100-magulang at kanilang mga anak na napatunayang biktima ng child labor.

Ayon sa Opisyal, ang inisyatibo ay upang mabigyan ng pagkakataon ang magulang na suportahan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

“Umaasa ako na hindi dito magtatapos ang ating kampanya laban sa child labor. Sana ay naging paalala ito sa lahat ng participants, members and partners of the NCACL, LGU, parents and guardians at sa inyong mga bata tungkol sa mga programa na inilaan para sa inyo,” ayon naman sa mensahe ni Dominique Rubia-Tutay – DOLE Assistant Secretary for Workers’ Welfare and Protection Cluster na ipinadala ng kagawaran sa Radio Veritas.

Una ng kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on the Protection of Minors (CBCP-OPM) ang inisyatibo ng DOLE at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuluyang maiwaksi ang child labor sa lipunan.

Ito ay sa paglulunsad ng Mahalin at Kalingain ating mga Bata o Makabata Hotline upang isulong ang paglaban sa Child Labor kung saan maaring matawagan o makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa mga numero bilang 0-9-6-0-3-7-7-9-8-6-3, 0-9-1-5-8-0-2-2-3-7-5 at email address na [email protected] upang isumbong ang mga makikitang pang-aabuso o child labor sa mga bata.

Sa datos ng Philippines Statistics Authority noong 2021, umabot sa 31.47-million ang bilang ng mga nagtatrabahong kabataang nasa edad lima hanggang labing-pitong taong gulang.

Habang noong 2022 ay naitala ng Council for the Welfare of Children na umabot sa siyam na libo ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa kabataan sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 54,411 total reads

 54,411 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 100,995 total reads

 100,995 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 202,262 total reads

 202,262 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 272,449 total reads

 272,449 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 355,753 total reads

 355,753 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top